May oil price hike na, may toll hike pa
- BULGAR

- 8 hours ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 30, 2026

TILA PINASARINGAN NI SEN. BAM SI SEN. RISA SA PAG-EPAL NITO SA IMBESTIGASYON SA ONLINE VIDEO GAMES – Tila pinasaringan ni Sen. Bam Aquino ang kasama niya sa majority bloc na si Sen. Risa Hontiveros, na nais pang imbestigahan at iugnay ang mga online video game sa pamamaril sa dalawang menor-de-edad sa San Juan National High School sa Tacloban City.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Sen. Bam na batay sa maraming pag-aaral, wala umanong matibay na ebidensiyang nagpapatunay na may kaugnayan ang mga school shooting sa iba't ibang bansa sa mga online video game.
Wala man siyang pinangalanan, tila si Sen. Risa ang pinatutungkulan ni Sen. Bam dahil siya lamang ang hayagang nananawagang imbestigahan ang mga developer ng online video game kaugnay ng naturang insidente. Period!
XXX
PITONG BUWANG DEMO JOB KAY VP SARA – Tatagal umano ng pitong buwan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Kung ganoon, pitong buwan ding tatagal ang demolition job laban kay VP Sara. Boom!
XXX
ONLI IN DA ‘PINAS LANG NA TAAS NANG TAAS ANG PRESYO NG MGA PRODUKTONG PETROLYO KAHIT BUMABA NA ANG HALAGA NITO SA INTERNATIONAL MARKET – Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na may panibagong taas-presyo sa langis ngayong araw, June 30.
Only in the Philippines yata na tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo kahit bumaba na ang halaga ng langis sa international market. Buset!
XXX
DAGDAG-PAHIRAP SA MAMAMAYAN ANG DAGDAG-SINGIL SA BAYARIN SA SLEX AT STAR TOLLWAY – Simula bukas, Hulyo 1, ay may panibagong taas-singil sa toll fee sa SLEX at STAR Tollway.
Hay naku, hindi pa nga lubusang nakakabangon ang mamamayan mula sa hirap na dulot ng mataas na presyo ng langis, nadagdagan na naman ang kanilang pasanin sa panibagong taas-singil sa SLEX at STAR Tollway. Pwe!





Comments