May non-showbiz BF na raw… WINWYN, SA PRESSCON AAMININ KUNG BUNTIS O HINDI
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 10, 2021

So, inamin na pala ni Winwyn Marquez sa isang panayam sa kanya ng PEP.ph na may non-showbiz boyfriend siya ngayon, pero 'di pa raw siya handang ibulgar in public ang identity ng guy.
Hindi naman daw niya ito itinatago at aminado si Winwyn na masaya at kuntento siya sa piling ng boyfriend.
Sabi pa nga niya, todo-suporta ang BF sa kanyang showbiz career.
Pero sa tanong ng mga Marites kung totoo nga bang buntis o nasa interesting stage ngayon ang beauty queen na anak nina Alma Moreno at Joey "Tsong" Marquez, walang naging malinaw na sagot si Winwyn.
Ang sabi lang niya, may grand presscon siya ng kanyang Metro Manila Filmfest entry na Nelia sa Dec. 18 at du'n niya sasagutin ang gumugulo sa isip ng mga Marites.
"I will attend our grand presscon which is on December 18 as well.
"I think they'll know there," bitin na pahayag ni Winwyn.
Samantala, umabot na sa halos 2.5 million views ang official trailer ng Nelia na pinagbibidahan ni Winywn.
Inilabas noong December 1 ang naturang trailer sa official Facebook page ng Nelia, at sa loob lang ng 36 oras ay nakakuha na agad ito ng mahigit 1,000,000 views.
Pinag-uusapan ng mga netizens ang Nelia dahil sa kakaibang tema nito. Sa trailer kasi ng pelikula, makikitang nababalot ng misteryo ang Room 009 sa ospital kung saan nagtatrabaho si Nurse Nelia (Winwyn) dahil lahat ng pasyenteng naa-admit dito ay namamatay.
Tinatalakay din ng pelikula ang isyu ng mental health, na isa sa mainit na usapin ngayon sa social media dahil sa paglaganap ng anxiety at depression na naranasan ng maraming tao ngayong pandemya.
“In a way, educational din itong aming pelikula dahil isa sa mga underlying themes nito 'yung mental health disorders. Sana, sa mapapanood ng mga tao sa aming pelikula ay mas lumawak din ang pang-unawa natin sa mga taong may pinagdaraanang mental health problems,” wika ng direktor ng pelikula na si Lester Dimaranan.
Bukod dito, marami ring kaabang-abang na eksena sa pelikula, tulad ng daring scenes nina Ali Forbes at Shido Roxas, na pinag-uusapan din ngayon sa social media. Sina Ali at Shido ay gumaganap sa pelikula bilang sina Dr. Josan at Nurse Anna.
Kasama rin sa pelikula ang iba pang cast tulad nina Raymond Bagatsing, Mon Confiado, Dexter Doria, at ang commercial model-turned-actor na si Juan Carlos Galano sa kanyang kauna-unahang feature film, at marami pang iba.
Ang Nelia ay mapapanood sa mga sinehan nationwide sa Luzon, Visayas at Mindanao simula sa Dec. 25 at handog ito ng A and Q Films Production.





Comments