top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

May ‘K’ daw dahil sikat na sikat… SEN. LITO, ‘DI NAPILIT SI COCO NA TUMAKBO SA PULITIKA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2022
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 06, 2022





Nang humarap kamakailan si Sen. Lito Lapid sa entertainment press para i-endorse ang Pinuno Partylist at ang first nominee nitong si Howard Quinto na kapwa niya Kapampangan at kanyang sinusuportahan, isa sa mga naitanong sa aktor-pulitiko ay kung bakit hindi natuloy na pumasok si Coco Martin sa pulitika.


Kung matatandaan, noon pa naman ay very vocal na si Sen. Lito na isa siya sa mga nagtutulak at kumukumbinse kay Coco na pasukin na rin ang pulitika.


Kaya nga may kumalat na kakandidato raw na kongresista o senador ang bida ng Ang Probinsyano, lalo na nang hindi mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.


Diretsong sagot ni Sen. Lito sa panayam sa kanya ng mga press, ayaw daw talaga ni Coco na pasukin ang pulitika.


Pinayuhan nga raw niya si Coco na kung gusto nitong tumakbo, perfect timing sana habang sikat na sikat ito dahil sa kanyang seryeng Ang Probinsyano.


Pero mukhang nakapag-isip-isip nang mabuti si Coco na mahirap ang bagong mundong papasukin lalo’t wala naman siyang kaalaman dito, kaya mas pinili pa ring ituluy-tuloy ang pag-ere ng Ang Probinsyano at mukhang target ng aktor na magkaroon ng Encyclopedia version ang kanyang primetime serye.


Char!!!


Anyway, dahil under pala sa partido ni Sen. Tito Sotto na NPC si Sen. Lito kaya ang running mate nitong presidentiable na si Sen. Ping Lacson ang kanyang susuportahan sa pagka-pangulo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page