top of page
BULGARY - JULIA, ‘DI TOTOONG BUNTIS, BALIK-SERYE-IG _montesjulia08.jpg

May bayad ba ang pagsasampa ng kaso sa barangay?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 4, 2020
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 4, 2020



Dear Chief Acosta,


Ako ay nagsampa ng kaso sa aming barangay laban sa aking nakaaway na kapitbahay. Sa aking pagkabigla, ako ay siningil pa ng barangay ng bayad para sa pagsampa ng kaso. Hindi ba dapat libre ang mga ganitong bagay sapagkat responsibilidad ng barangay na mag-ayos at panatilihin ang kapayapaan sa aming lugar? – Hossain


Dear Hossain,


Ang sagot sa inyong katanungan ay hindi po. Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Seksiyon 410 (a) ng Republic Act (R.A.) No. 7160, o mas kilala sa tawag na Local Government Code of 1991 na maaaring magpataw ng karampatang filing fee ang barangay sa mga reklamong isinampa alinsunod sa Katarungan Pambarangay Law, viz:


“Section 410. Procedure for Amicable Settlement. -
(a) Who may initiate proceeding - Upon payment of the appropriate filing fee, any individual who has a cause of action against another individual involving any matter within the authority of the lupon may complain, orally or in writing, to the lupon chairman of the barangay.”

Kaugnay nito, nakasaad din sa Rule IV, Seksiyon 4 ng Katarungan Pambarangay Rules na inisyu ng Department of Justice (DOJ) ang alituntunin tungkol sa maaaring halaga ng filing fee, viz:


“Sec. 4. Commencement-  Proceedings for settlement shall be commenced by verbal or written complaint to the Punong Barangay or any matter not excepted under Section 2 of the Rule, in accordance with the Rules on Venue provided in the preceding section and upon payment of the filing fee in the amount of not less than five (5) pesos nor more than twenty (20) pesos xxx.”

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page