May basbas daw ng GMA-7… BARBIE AT DAVID, NASA TV5 NA RIN
- BULGAR

- Jun 22
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | June 22, 2026

Photo: FB Circulated
Lipat-bakod na rin sa TV5 sina Barbie Forteza at David Licauco sa pamamagitan ng pagpapalabas ng serye nilang Mano Po Legacy: The Family Fortune (MPLTFF).
Mapapanood ang serye sa TV5 Hapon Champion block.
Maraming Kapuso viewers ang nagtaka kung bakit mapapanood sa TV5 ang dalawang pangunahing artista ng GMA Network.
Nilinaw naman ni Roselle Monteverde na bago tinanggap ang alok ng TV5, nagpaalam muna ang Regal Entertainment sa GMA.
Ayon kay Roselle, ayaw niyang magkaroon ng problema at mahalaga ang magandang samahan ng mga kumpanya sa industriya.
May posibilidad ding maipalabas sa TV5 ang iba pang installments ng franchise.
Ang paglipat ng serye nina Barbie at David sa TV5 ay dati nang ginawa ng Regal sa mga programang unang umere sa GMA-7, at isinagawa ito nang may pahintulot ng Kapuso Network.
Kaya walang isyu sa pagitan ng GMA at TV5, mga Ka-BULGAR.
IPINALIWANAG ng aktres-former beauty queen na si Ruffa Gutierrez kung bakit espesyal sa kanya ang St. Patrick’s Cathedral sa New York. Ibinahagi niya ang mga litrato at video mula sa kanyang pagbisita rito.
Nakitang nagsisindi ng kandila at nag-aalay ng panalangin ang aktres.
“Returning to St. Patrick’s Cathedral to give thanks. Every prayer I whispered here was heard.
Every blessing came in His perfect timing,” sey niya.
“As I return to Manila, my heart is full of gratitude, peace, and love…because after all, there’s no place like home,” aniya pa.
Nagbahagi rin siya ng throwback photo ng kanyang mga anak kalakip ang mahabang mensahe.
Mabilis na umani ng reaksiyon mula sa mga netizens ang post, at marami sa kanila ang humanga sa pagpapakita ng pananampalataya at pasasalamat ni Ruffa Gutierrez.
Ang St. Patrick’s Cathedral na matatagpuan sa Manhattan ay isa sa mga pinakakilalang simbahang Katoliko sa United States (US) at matagal nang binibisita ng milyun-milyong peregrino at turista mula sa buong mundo.
LAGI na lang ikinukumpara ang aktor na si Joshua Garcia kay John Lloyd Cruz. Magaling din kasi sa aktingan at pareho ang karisma at kaguwapuhan nila.
“‘Di ko mapapantayan ‘yan. One and only ‘yan,” ito ang naging sagot ni Joshua nang tanungin kung ano ang nararamdaman niya sa mga pagkukumpara sa kanilang dalawa.
Sey ng mga netizens:
“Parehas kayong down to earth. ‘Yun na po ‘yun. Nothing else, period.”
“Maganda ‘to. Magsama-sama sila sa isang movie, like Joshua, John Lloyd, then Alden, mag-uutol sila.”
May ilan ding nagsabing, “Parehas sila ng acting style at skills ni John Lloyd, pero sa filmography at body of work, mas marami at mas makapal ang filmography ni Lloydie.”
“Mas bida sa pelikula si John Lloyd. Mas bida sa TV si Joshua. Ganu’n lang kasimple.”
“Ngek, ang layo naman. Though pareho kayong 6/10 sa hitsura. Pero medyo nabayaran ng acting ang hitsura.”
“Walang dating si Joshua. Sobrang na-hype lang.”
“Malamya si JG.”
Samantala, may mga dumepensa rin sa aktor.
“Deserve n’ya ang hype dahil may talent s’ya, kaya n’yang kumilos. Guwapo rin naman s’ya. ‘Yung Star Magic lang kasi, ipinattern ang career n’ya kay John Lloyd kaya lagi s’yang ikinukumpara.”
“Magaling s’ya pero ‘yung galing n’ya, pare-pareho lang. ‘Di n’ya kayang ibahin ang atake, laging isa lang at predictable. That makes him... ‘di na magaling pala.”
“True naman. Certified box-office star si JLC. While hit-and-miss ‘tong si Joshua, mostly flop ang projects n’ya.”
“Flop ba ang P450 million sa Happy For You at P305 million sa Meet, Greet & Bye? Ang flop lang ay ‘yung zombie movie n’ya dahil COVID. ‘Yung Love Is Never Gone, #1 sa Prime sa loob ng anim na sunud-sunod na linggo. Mag-research ka muna kasi halatang hater ka.”
“Medyo malayo pa. Marami pa ang kakainin mong sili bago marating ang status ni JLC.”
“Pati pagsasalita, ginagaya si JLC. Mas sisikat ka sana kung may sarili kang identity.”
Ano’ng sey n’yo, mga Ka-BULGAR?





Comments