MATTEO AT SARAH, AYAW MAISTORBO SA BONDING SA ITALY
ni Nitz Miralles @Bida | November 1, 2023

Ine-enjoy nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang bakasyon nila sa Italy. Hindi sila nagpo-post ng photos at wala ring update sa kanilang bakasyon. Pagbalik na lang siguro nila, saka magkukuwento sa kanilang bakasyon.
In fairness kay Matteo, dumalo muna sa mediacon ng Penduko at Black Rider bago sila lumipad ni Sarah pa-Italy. Nakapag-promote pa rin siya sa dalawa niyang projects.
Sa Nov. 12 ang balik nila ni Sarah from their vacation, mahaba pa ang panahon para makapag-promote ng Viva Films entry sa 2023 MMFF.





Comments