top of page

Masterminds sa flood control scam ibinulgar, Sens. Escudero, Estrada at Villanueva, posibleng targetin ng Marcos admin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | March 12, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


ANG DAHILAN KAYA BAKIT TINULDUKAN NA NI PBBM ANG PAGIGING MEMBER ‘PINAS SA ICC AY UPANG HINDI MAKAHIRIT SI ATTY. KAUFMAN NA IBALIK AT DITO NA I-HOUSE ARREST SI FPPRD? – Noong Nobyembre 24, 2023, sinabi ni PBBM na pinag-aaralan niya ang pagbabalik ng Pilipinas bilang miyembro ng ICC, ngunit ngayon ay nanindigan na ayaw na niyang maging kasapi muli ang bansa.


Isa sa posibleng dahilan ay ayaw niyang magkaroon ng dahilan si Atty. Nicholas Kaufman na humiling muli ng interim release para kay FPRRD at gamitin ang pagiging miyembro ng Pilipinas sa ICC bilang dahilan upang i-house arrest ang dating pangulo. Sa ganitong sitwasyon, ang dating pangulo ay pupunta na lamang sa The Hague tuwing may hearing sa kaso niya sa ICC.


Ayon sa patakaran ng ICC, pinapayagan ang interim release sa isang akusado, ngunit tanging sa bansa na miyembro ng ICC maaaring idala ang akusado. Dahil ayaw na ni PBBM na maging kasapi muli ang Pilipinas, malabo na talagang maiuwi sa bansa si FPRRD. Tsk!

 

XXX


KAPAG NAGING PRESIDENTE SI VP SARA MAOOBLIGA SIYANG IPA-MEMBER ULI SA ICC ANG ‘PINAS PARA PUMAYAG NA AT DITO I-HOUSE ARREST SI FPPRD – Kung sakaling si VP Sara Duterte ang maging susunod na presidente ng bansa, magiging obligado siya na ipa-member muli ang Pilipinas sa ICC upang payagan ang interim release at isailalim sa house arrest sa bansa ang kanyang amang si FPRRD.


Ika nga, kahit maging presidente si Sara Duterte, kung hindi miyembro ng ICC ang Pilipinas, tiyak na hindi papayag ang ICC na pagkalooban ng interim release ang dating pangulo para dito siya isailalim sa house arrest. Period!

 

XXX


SEN. MARCOLETA, TINUKOY ANG MASTERMINDS SA FLOOD CONTROL SCANDAL, SENS. ESCUDERO, ESTRADA AT VILLANUEVA, MALAMANG AY KINAKABAHAN NA –Sa pakikipagbangayan kay Senate President Pro Tempore Sen. Ping Lacson, sinabi ni Sen. Rodante Marcoleta na natigil ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee nang walang napapanagot sa mga mastermind ng flood control scandal.


Bagamat tinutukoy ni Sen. Marcoleta na ang mga mastermind ay sina PBBM at dating Speaker Martin Romualdez, malamang na kinabahan sina Senators Chiz Escudero, Jinggoy Estrada, at Joel Villanueva. Dahil kakampi nila ang minority, posibleng targetin sila ng Marcos administration upang pabilisin ang paglabas ng resolusyon sa kanilang mga kasong plunder at malversation kaugnay ng flood control scandal, at kasunod nito ang warrant of arrest upang ikulong sila sa city jail. Boom!

 

XXX


COL. ELEAZAR BARBER NAGPALABAS NG DIREKTIBANG 'WAR ON ILLEGAL GAMBLING – Nagpalabas ng direktiba laban sa illegal gambling si Rizal Provincial Director, Col. Eleazar Barber.


Tingnan natin kung huhulihin na ng kapulisan si alyas "Kits" at ang kanyang mga kubrador ng STL-con, jueteng, at lotteng sa Rizal province. Abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page