top of page

Mas malawak na diskwento sa transport system, ipatupad sana

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 20
  • 2 min read

ni Leonida Sison @Boses | March 20, 2026



Boses by Ryan Sison


Dahil sa walang sawang pagsirit ng langis, nagdesisyon ang pamahalaan na kahit papaano ay pagaanin ang buhay ng publiko. Dahil dito, may isinagawang inisyatiba na tiyak na makakatulong sa publiko na makatipid at hindi dumagdag ang problema sa taas ng petrolyo sa bansa.


Nagpatupad ng 50% fare discount ang MRT-3 at LRT-2, hakbang na hindi lang magpapagaan kundi direktang tutulong sa bulsa ng taumbayan.


Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na magsisimula ang kalahating bawas-pasahe sa Marso 23, 2026, bilang tugon sa direktiba ni Ferdinand Marcos Jr. na pagaanin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo dulot ng tensyon sa Middle East. 

Layunin nitong mabawasan ang pasanin ng mga Pinoy na umaasa sa pampublikong transportasyon para sa trabaho, eskwela, at pang-araw-araw na lakad.


Ayon sa DOTr, awtomatikong makukuha ang diskwento ng mga gumagamit ng blue Beep card, habang ang mga bibili ng single journey tickets ay makikinabang din dahil naka-adjust na ang presyo. 


Mananatili rin ang umiiral na 50% diskwento para sa mga may white Beep card tulad ng senior citizens, persons with disabilities (PWD), at mga estudyante. Ibig sabihin, mas maraming sektor ang direktang makikinabang sa programang ito.


Dagdag pa ng ahensya, ipatutupad ang fare discount hanggang sa susunod na abiso, na nagbibigay ng pansamantalang seguridad sa mga komyuter na patuloy na hinahabol ng pagtaas ng presyo ng bilihin. 


Samantala, patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng DOTr sa Light Rail Manila Corporation (LRMC) upang mapalawak ang kaparehong diskwento sa LRT-1, na kasalukuyang pinamamahalaan ng pribadong sektor.


Ang ganitong hakbang ay hindi lamang simpleng diskwento kundi konkretong tulong sa araw-araw na gastusin. 


Sa panahon na halos lahat ay tumataas, mula gasolina hanggang pagkain ang pagbawas sa pamasahe ay malaking ginhawa, lalo na sa mga minimum wage earners at estudyante.


Gayunpaman, hindi dapat dito matapos ang solusyon. 


Ang fare discount ay pansamantalang lunas lamang sa mas malalim na problema ng mataas na presyo ng langis at kakulangan ng pangmatagalang transport solutions. 

Kailangan pa rin ng mas komprehensibong plano upang masigurong hindi paulit-ulit na mararanasan ng taumbayan ang ganitong krisis.


Ang 50% discount sa tren ay isang hakbang sa tamang direksyon, ngunit dapat itong sundan ng mas malalaking reporma upang tuluyang maibsan ang hirap ng biyahe at gastusin ng bawat Pilipino.



Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

2 Comments


katrinacha.vez.52.0.2
Apr 14

game tài xỉu mình cũng chỉ ghé thử cho biết vì thấy mọi người nói nhiều, chứ ban đầu không định chơi gì đâu. Vào trang cái là thấy bố cục khá dễ chịu, kiểu chia khối rõ ràng nên mắt mình không bị loạn, lướt xuống là nắm được chỗ nào quan trọng. Mình để ý họ có đoạn nhắc về tải app, viết ngắn gọn kiểu dùng app thì thao tác nhanh và ổn định hơn so với trình duyệt, đọc phát hiểu luôn. Mấy thông tin cơ bản đặt ngay trên trang nên không phải bấm vòng vòng tìm. Nói chung cảm giác họ làm cho người mới vào đỡ bỡ ngỡ, vì tiêu đề và các…

Like

Viet Nguyen
Viet Nguyen
Mar 20

Ang 50% discount sa tren ay isang hakbang sa tamang direksyon, ngunit dapat itong sundan ng mas malalaking reporma upang tuluyang maibsan ang hirap ng biyahe at gastusin ng bawat Pilipino block blast.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page