Mas bata nang 3 years ANGELINE, UMAMING MAY MGA ANAK NA ANG TATAY NG IPINAGBUBUNTIS
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 11, 2021

Inamin na nga ni Angeline Quinto sa panayam sa kanya ni Tito Boy Abunda para sa show nitong The Purple Chair na magiging nanay na siya.
September pa pala nang malaman ni Angeline ang good news na buntis siya at answered prayer daw ito para sa kanya, dahil sa pagkamatay ng kanyang Mama Bob, tinanong niya si Lord sa purpose ng kanyang buhay.
Of course, bagama't nag-alala rin daw siya para sa kanyang trabaho na maaapektuhan ng kanyang kalagayan ngayon lalo't may series of concert pa naman siya titled 10Q na tatakbo hanggang January 2022, plus may ASAP Natin 'To pa siya every Sunday, excited siya na finally ay magiging nanay na rin siya.
Hindi naman itinago ni Angeline na may non-showbiz boyfriend siya for more than a year na, pero hindi lang niya inilalabas ang identity ng guy dahil 'di pa raw siya ready.
Kaibigan pala ito ng boyfriend ng kaibigan niya sa Sampaloc at may mga anak na raw ang guy na 3 years younger sa kanya at baby-faced daw.
Tanggap naman daw ni Angeline na may mga unang anak na ang kanyang boyfriend.
Ang mahalaga ay hindi ito kasal kaya puwede siyang pakasalan.
Pero sa ngayon daw, hindi muna nila priority ang kasal at mas focused muna sila sa kanilang magiging anak.
“Kapag kasal, ibang usapan na ‘yun. Gusto ko ‘yung tamang proseso at paghahanda para sa kasal. Sana iyon na muna. Ngayon, ang pinaka-priority, ang bata. Sa future, kung ikakasal kami, siyempre, magpapasalamat ako,” sabi pa ni Angeline.
Sayang, hindi na inabutan ng kanyang Mama Bob ang magiging first apo sana nito kay Angeline.
But anyway, super happy kami for Angeline dahil nasa right age naman na talaga siya para magkaroon ng sariling pamilya.
Tulad ng kasabihan: "A baby is always a blessing."
Congrats, Angge!!!





Comments