top of page
Lakam Chiu at Kim Chiu - IG.jpg

Marcos Sr. at Martial Law: Sa likod ng mga kuwento at kontrobersiya

Writer: BULGAR
BULGAR
53 minutes ago
2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | September 22, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Sa totoo lang, nilagdaan nang lihim ang Proclamation 1081—sa petsang ito.

Dahil lihim, normal ang buhay ng mga Pinoy noong Setyembre 21, 1972.

Pero, walang signal ang mga telebisyon at radyo at mga FM music lamang ang napapakinggan.


-----$$$--

Umagang-umaga noong Setyembre 22, 1972—nagkaroon ng signal ang TV set.

Sumungaw ang batambata at binatilyong si Francisco Tatad—ang  kalihim ng impormasyon.

Ito ang simula ng “impormasyon” na iminamaniobra ! 


-----$$$--

MAS makasaysayan ang Setyembre 22—dahil simula ‘yan ng epekto ng Martial Law.

Second year high school ang inyong abang lingkod—at noon nagsimula na pagamitin ng “school ID” ang mga mag-aaral.


----$$$--

Ang school ID na ito ay hindi upang sagkaan ang kalayaan ng mga kabataan—bagkus ay upang proteksiyunan ang kanilang kaligtasan.

Laganap ang krimen noon, sanrekwa ang adik –tawag ay mga hippies.


----$$$--

Kaliwa’t kanan ang disco at pot session—mahahaba ang buhok ng mga kabataan.

Mula nang mag-Martial Law—nawala na ang ganyang eksena.

Pero, hindi itinumba ang mga adik—bagkus ay inalagaan at ginamot sila sa iba’t ibang REHAB facilities!


----$$$--

Hindi maawat ang bastos na awitin sa radyo, sa pelikula—ay gayundin—sangrekwa ang bold movies—BOMBA ang tawag.

Sa telebisyon, may porno movie sa madaling-araw.

Binura at tinunaw ng Martial Law ang mga aktibidad na sumisira sa moralidad ng lipunan.


-----$$$--

BIGO ang Simbahang  Katoliko na iayos ang moralidad pero ginampanan ng Matandang Marcos gamit ang Martial Law.

Sa kabila nito, nanguna pa si Cardinal Sin sa pagpapatalsik kay Marcos, baket?


-----$$$---

Ang ekta-ektaryang bukirin at lupain na nakapangalan sa Simbahang Katoliko ay inagaw ni Marcos—pero ibinigay ng libre sa mga magsasaka.

Sa kauna-unahang pagkakataon, binuo ang Department of Agrarian Reform para makapagmay-ari ng bukirin ang mga magsasaka nang walang babayaran.


----$$$--

MARAMING mamamahayag ang dinakip at pinakulong, at bilang ganti, ang mga naratibo at mga panulat ay karaniwang bumabatikos kay Marcos Senior.

Biktima si Marcos Senior ng dispalinghadong pamamahayag!


-----$$$---

ANG ekta-ektaryang reclamation area ay tinambakan ni Marcos upang madagdagan ang “land area” ng Pilipinas—well-developed na ito ngayon.

Pero, imbes ang gobyerno ng Pilipinas ang nakikinabang, ibinenta ito sa mga buwayang negosyante na kabilang sa nagpatalsik kay Marcos Sr.


----$$$--

LIHIM ang galit ng mga multi-bilyonaryo kay Marcos Sr. kasi ang mga hacenderong ito ay nawalan ng mga lupain sa ilalim ng Presidential Decree No.1—ang Land Reform Act.

Opo, ang inuuna ni Marcos Sr. ay ang pobreng magsasaka na siya ring sektor na hinihikayat at nabe-brainwashed ng mga kadre.


----$$$--

BUKOD sa Bataan Nuclear Power Plant na siyang solusyon sa energy crisis, napakaraming proyekto ni Marcos.

Tulad ni Digong, inaakusahan si Marcos ng pagpatay pero hindi naman napatunayan sa hukuman!


----$$$--

HINDI maiiwasang ikumpara si Marcos Senior sa kanyang Junior.

Paano natin sila pagkukumparahin?

Bahala na muna kayo!



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page