top of page
Lakam Chiu at Kim Chiu - IG.jpg

Karapatan ng barangay sa maayos na poso

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 22, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Sa barangay namin ay may isang pampublikong poso na ginagamit ng halos kalahati ng mga residente para sa inuming tubig, paglalaba, at iba pang pangangailangan sa araw-araw. Ilang buwan na itong sira at walang kumikilos para maayos ito. Kahit ang barangay ay parang walang pakialam. May obligasyon po ba ang gobyerno na ipaayos ito? Sino ba talaga ang responsable sa pagpapanatili ng poso sa aming lugar? — Sora





Dear Sora,  


Patakaran ng ating Estado na itaguyod ang kalidad ng buhay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng pagkakaloob ng sapat na serbisyong panlipunan kabilang ang pagkakaloob ng sapat na suplay ng tubig na maaaring inumin at madaling magagamit ng bawat barangay sa bansa. Kung kaya’t isinabatas ang Republic Act (R.A.) No. 6716 o ang “An Act Providing For The Construction Of Water Wells, Rainwater Collectors, Development Of Springs And Rehabilitation Of Existing Water Wells In All Barangays In The Philippines,” upang magkaroon ng sapat na maiinom na tubig ang bawat barangay sa bansa. Nakasaad sa Seksyon 2 at 3 ng nasabing batas na:


Section 2. Water Wells, Rainwater Collectors and Spring Development. — The Department of Public Works and Highways (DPWH) shall, within thirty (30) days after the approval of this Act, undertake construction of water wells, rainwater collectors, development of springs and rehabilitation of existing water wells in all barangays in the Philippines in such number as may be needed and feasible, taking into consideration the population, hydrologic conditions, costs of project development and operations, financial and economic factors and institutional arrangements: Provided, however, That the DPWH shall deduct not more than five percent (5%) for supervision, engineering, technical and other overhead expenses or fees: Provided, further, That each barangay in the country shall have at least one additional potable water source.


Section 3. Operation and Maintenance. — In order to ensure the proper use of the water facilities herein provided, a Barangay Waterworks and Sanitation Association, herein referred to as BWSA, shall be formed and organized for the purpose of maintaining the water facilities: Provided, That pending the organization of the BWSA, the water facilities shall be operated and maintained by the barangay council.


The BWSA shall be composed of the member consumers who shall administer, operate and maintain the completed water facility and shall be registered with the corresponding municipal or city council.


The BWSA may impost such minimal charges as may be necessary for the maintenance and normal repairs of said facility. Nothing herein shall prevent any resident of the locality from using the water facility under the same terms and conditions as the member-consumers of the BWSA.


Organizing and training the recipient communities in the operation and maintenance of water systems shall be conducted by the DPWH prior to the turnover of such facilities to the BWSA subject to the guidelines to be formulated by the Department.”


Sang-ayon sa Seksyon 2 ng nasabing batas, iniatas sa DPWH ang pagsasagawa ng konstruksyon ng mga poso, rainwater collector, at spring development, gayundin ang rehabilitasyon ng mga poso sa lahat ng barangay sa buong bansa, alinsunod sa dami ng populasyon, kalagayan ng lupa, at iba pang salik.


Gayunpaman, hindi nangangahulugang ang DPWH lamang ang may pananagutan kapag nasira ang isang poso. Sa ilalim ng Seksyon 3 ng batas, itinatadhana na kailangang mabuo at maorganisa ang Barangay Waterworks and Sanitation Association (BWSA) sa bawat barangay na may nasabing pasilidad, na siyang magpapanatili at mananagot sa maayos na operasyon at pagmementena ng mga instalasyon nito. Subalit, habang hinihintay ang pagbuo ng BWSA, ang mga pasilidad ng tubig ay patatakbuhin at pananatilihin ng konseho ng barangay.


Sa madaling salita, ang responsibilidad ay nakaatang sa iba’t ibang institusyon: ang DPWH ang naatasang magtayo o magrehabilita ng mga posong sira, samantalang ang konseho ng barangay o BWSA na binubuo karaniwan ng mga kinatawan ng mga residenteng gumagamit ng pasilidad, ang siyang magbabantay sa araw-araw na pagpapanatili nito.


Sa iyong sitwasyon, kung matagal nang sira ang poso sa lugar n’yo at walang kumikilos, maaari mo itong ipaalam sa konseho ng barangay o sa BWSA sa inyong lugar. Sa ganitong paraan, maaaring mapabilis ang pag-aayos ng poso para sa kapakinabangan ng buong komunidad.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page