Kinasuhan ng qualified theft… ATE NI KIM NA SI LAKAM, INARESTO NA

ni Julie Bonifacio @Winner | September 21, 2026

Photo: Lakam Chiu at Kim Chiu - IG
Arestado na ang sister ni Kim Chiu na si Lakambini ‘Lakam’ Chiu sa kasong qualified theft sa bisa ng warrant na inilabas ng Quezon City RTC Branch 84.
Mula sa report ng ABS-CBN, inaresto si Lakam sa Bgy. Wack-Wack, Mandaluyong City, bandang alas-kuwatro ng hapon kahapon, Linggo, Setyembre 20.
Puwede raw maghain ng piyansa si Lakam sa halagang P5,838,000.
Nasa 124 counts ng qualified theft ang nilalaman ng warrant na inihain kay
Lakam mula diumano sa pagkuha niya ng corporate funds ng House of Little Bunny Philippines, Inc. (HOLB), ang negosyong pagmamay-ari ng Chiu sisters.
Ayon sa legal counsel ni Kim, si Lakam ay ‘part of the management of the business’.
Sa isang statement ni Kim, sinabi niya na hindi naging madali para sa kanya ang kanyang ginawang desisyon.
Sey niya, “It is one of the most painful steps I have ever taken in my life.”
Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng mga pulis si Lakam at pansamantalang nakakulong sa Police Station 10 custodial facility, pending sa commitment order ng korte.
Sey mo, Rhian?
SAM, PROUD NA IDINISPLEY ANG BAKASYON NILA ABROAD NI FAITH
SPOTTED si Faith da Silva kasama si Sam Verzosa sa isang restaurant sa Los Angeles, USA.
Ibinida ni Sam ang masayang dinner nila ng aktres kasama ang ibang kaibigan ng businessman sa isang mamahaling resto sa Beverly Hills. Makikita ito sa kanyang Instagram (IG).
Dahil d’yan, kumpirmadong si Faith ang mysterious girl na nakitang kasama ni Sam sa airport papuntang Amerika kamakailan.
Nakakita ng pagkakataon ang mga bashers ng aktres para mag-post ng kanilang mga negative reaction. Pati si Rhian Ramos na ex-girlfriend ni Sam ay nadawit. But at the same time, may supporters din si Faith na nagtanggol sa kanya.
Sey ng mga netizens:
“‘Yan naman pala... trabaho lang, ‘di naman basta-basta pumapatol si Sam sa babae. ‘Di n’ya ka-level. Si Sam, marunong pumili.
“Pero laging spotted na silang dalawa lang... ngayon, dinala na talaga sa US. LOL (laugh out loud).”
“Siguro, silang dalawa lang ang nakikita mo. Marami silang kasama ‘pag together sila, saka ‘di sila sweet. Kung may something, mapi-feel naman ‘yun.”
“Kung ‘yung nauna (Rhian), maraming viral ‘yun, dati sila ni DJ (Mo Twister) at meron pang isa after DJ, ganu’n din ang ginawa sa kanya, scandal. Itong ngayon (Faith), mas bata at walang bad issue like ‘yung idol mo ngayon, tomboy naman. Kaya stop barking, gurl. ‘Kakahiya.”
“Story maker! Ikaw lang ang may alam na may isa pang scandal si Rhian. Hahaha! Saka sino’ng nagsabi na tomboy s’ya?”
“I-stop mo ‘yung panlalait sa iba kasi nakakahiya, ‘yung idol mo daming scandal, may level pang nalalaman, LOL.”
Grabe sila kay Rhian, ha?





Comments