top of page
LET’S SEE - SHARON, DAMAY SA AWAY NINA SEN. KIKO AT SEN. ROBIN-IG _reallysharoncuenta FB R

Mandato ng batas sa mga babaeng biktima ng pang-aabuso ng kanilang asawa o kinakasama

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 14, 2021
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 14, 2021



Isa sa mga mandato ng Public Attorney’s Office (PAO) ang magbigay ng legal na tulong sa mga babaeng biktima ng pang-aabuso ng kanilang asawa o kinakasama, kung saan kung kinakailangan nilang maghain ng petisyon para makakuha ng Protection Order. Malinaw na nakasaad ito sa sumusunod na probisyon:


“SECTION 13. Legal Representation of Petitioners for Protection Order. – If the woman or her child requests in the applications for a protection order for the appointment of counsel because of lack of economic means to hire a counsel de parte, the court shall immediately direct the Public Attorney's Office (PAO) to represent the petitioner in the hearing on the application. If the PAO determines that the applicant can afford to hire the services of a counsel de parte, it shall facilitate the legal representation of the petitioner by a counsel de parte. The lack of access to family or conjugal resources by the applicant, such as when the same are controlled by the perpetrator, shall qualify the petitioner to legal representation by the PAO.


Ang pangangalagang ito ng estado sa mga babaeng biktima ng pang-aabuso ay sang-ayon sa isinasaad sa Seksyon 2 ng Republic Act (R. A.) No. 9262 kung saan nakasaad na:


“Sec. 2. Declaration of Policy. - It is hereby declared that the state values the dignity of women and children and guarantees full respect for human rights. The State also recognizes the need to protect the family and its members particularly women and children, from violence and threats to their personal safety and security.


Towards this end, the State shall exert every efforts to address violence committed against women and children in keeping with the fundamental freedoms guaranteed under the Constitution and the Provisions of the Universal Declaration of Human Rights, the convention on the Elimination of all forms of discrimination Against Women. x x x”


Ang gampanin ng kababaihan sa kanilang tahanan ay pinahahalagahan ng estado sapagkat sila ang mga nagsisilbing ilaw ng tahanan at tanglaw sa kanilang mga anak nang sa gayun ay mahubog ang mga ito na maging mabubuting mamamayan at kapaki-pakinabang na mga miyembro ng lipunan.


Labag sa batas ng Diyos at ng tao ang pananakit sa mga babae sapagkat dapat sila ay minamahal, inaalagaan at pinagpipitaganan dahil simbolo at ilaw sila ng tahanan. Hindi sila dapat sinasaktan at inaabuso kundi minamahal at pinahahalagahan. Bagama’t noong unang panahon ang mga babae ay nasa tahanan lamang na nag-aaruga at nag-aalaga sa kanilang mga anak, sa ngayon na panahon ng krisis, marami sa bilang ng kababaihan ay nagtatrabaho upang makatulong sa kani-kanilang asawa o kinakasama para maitaguyod ang kanilang pamilya.


Tunay na ang kahulugan ng pagsasama sa hirap at ginhawa ng mag-asawa ay napakalawak kung ating susuriin. Marami na sa kababaihan ang nagtatrabaho katulong ng kanilang mga asawa. Sa hirap ng buhay sa ating kasalukuyang panahon ang kababaihan ay sadya ngang napipilitang magtrabaho sa labas ng tahanan at maging sa labas ng bansa. Minsan ang pagtatrabahong ito ay nagiging ugat ng lalong pang-aabuso sa kanila.


Sa kalalakihan na nanakit ng kanilang mga asawa, o kanilang mga kinakasama, sila ay maaaring maparusahan ayon sa probisyon ng R.A. No. 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004). Pinarurusahan ng batas na ito ang pang-aabuso sa babae maging ito man ay pisikal, seksuwal, ekonomikal o sikolohikal. Maaaring makulong ang lalaki na mananakit at mang-aabuso ng kanyang asawa o kinakasama. Ang pagtanggi ng lalaki na bigyang-suporta ang kanyang asawa ay krimen at maaaring makulong ang lalaki kapag napatunayang walang dahilan para ipagkait niya ang kanyang suportang pinansiyal sa kanyang asawa.


Bukod sa reklamo ng pang-aabuso sa ilalim ng R.A. No. 9262, ang kababaihan na biktima ng pang-aabuso ay maaaring humingi ng Protection Order. Ang Protection Order ay pag-uutos na inilalabas upang mapigilan ang anumang patuloy na pananakit at pang-aabuso sa babae o ng kanyang anak. Ang uri ng Protection Order ay maaaring ibigay ng Barangay (Barangay Protection Order) o ng husgado (Temporary o Permanent Protection Order). Ang layunin ng Protection Order ay upang isalba sa patuloy na pang-aabuso ang babae o kanyang anak at makabawi ito ng lakas laban sa pang-aabusong natamo.


May karapatan ang babae na biktima ng pang-aabuso sa ilalim ng Seksyon 13 at 35 ng R.A. No. 9262 para humingi ng tulong legal mula sa PAO, at sa paghahain ng aplikasyon para mabigyan ng Protection Order.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page