Mananagot sa batas ang sinumang tutulong sa tao na magsasagawa ng suicide
- BULGAR

- Dec 28, 2020
- 1 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 28, 2020
Dear Chief Acosta,
Hirap na hirap na sa buhay ang aking tiyahin. Bukod pa rito, may sakit siya sa puso at walang pambili ng gamot o pagkain man lamang kaya’t wala na siyang pag-asa sa buhay. Dahil dito, inutusan niya akong bumili ng lason sa daga na gagamitin niya upang tapusin ang kanyang buhay. Gusto ko mang gawin ay hindi ito kaya ng aking konsensiya. Kung sakaling makumbinse niya ako, mananagot ba ako sa ilalim ng batas? – Kanor
Dear Kanor,
Ang sagot sa inyong katanungan ay opo. Bagama’t walang probisyon sa Revised Penal Code of the Philippines tungkol sa pagkitil sa sariling buhay o suicide, ang pagbibigay-daan naman sa paggawa nito ay krimen na may kaakibat na kaparusahan, depende sa uri ng tulong na ginawa at kung ang pagwakas sa buhay ay naisakatuparan o hindi.
“Article 253. Giving assistance to suicide. - Any person who shall assist another to commit suicide shall suffer the penalty of prision mayor; if such person lends his assistance to another to the extent of doing the killing himself, he shall suffer the penalty of reclusion temporal. However, if the suicide is not consummated, the penalty of arresto mayor in its medium and maximum periods, shall be imposed.”Nawa ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.




Comments