Manabat at Paat, bronze medalist sa Thai Volleyball
Pni VA / MC - @Sports | March 8, 2022

Nasungkit nina Dindin Santiago-Manabat, Mylene Paat at kanilang team Nakhonratchasima VC ang bronze medal sa Volleyball Thailand League kung saan ginapi nila ang Konkhaen Star para sa third place match, 25-18, 25-23, 21-25, 25-14 noong Linggo.
Itinanghal si Paat na top scorer ng liga at ipinagdiwang niya ito sa kanyang Instagram post at unang pinasalamatan ang Diyos, ang team at ang liga. "Napakabuti mo Panginoon."
Binati naman ng Chery Tiggo, ang club sa Premier Volleyball league nina Paat at Manabat dito sa bansa. Kasunod ng pagbibigay update ni team manager Ronwaldo Dimaculangan sa PVL website na ang dalawa ay maglalaro sa 'Pinas sa kanilang upcoming season.
Samantala, pinalawig pa ni Jaja Santiago at ng kanyang Saitama Ageo Medics squad ang kanilang winning streak sa apat nang walisin ang Kurobe Aqua Fairies, 25-14, 25-18, 25-19 noong Linggo sa Japan V.League.
Nakapaglista ang Pinay reinforcement ng 11 points, 5 attacks at 6 blocks upang ihatid ang Ageo sa 15-8 kartada. Ang kanyang teammate na si Yuka Sato ay may 9 attacks at 3 aces habang si Tisheirra Lorenne ay may eight attacks at 2 blocks.
Kabilang sa panalo nila noong Sabado kontra Victorina Himeji. Muling sasalang ang Ageo sa laro sa Miyerkules laban sa NEC Red Rockets. Kanselado naman ang laro ng FC Tokyo ni Marck Espejo at Oita Miyoshi ni Bryan Bagunas.





Comments