Makatarungang pagpataw ng “sales quota”
- BULGAR

- Oct 11, 2024
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Oct. 11, 2024

Dear Chief Acosta,
Dati akong sales representative sa isang kumpanya na gumagawa ng mga makinarya para sa kotse. Matapos akong magtanong sa aming manager tungkol sa aming delayed na sahod at benefits, nakaramdam na ako ng pagpapahirap mula sa aking kumpanya. Binigyan nila ako ng sales quota na 100 units kada buwan, kahit na ang karaniwang nabebenta ng ordinaryong sales representative ay nasa 10 hanggang 20 units lang kada buwan. Dahil mahirap matupad ang sales quota na itinalaga sa akin, sinabi ng aking kumpanya na ako ay tatanggalin dahil malulugi diumano sila kung hindi ko makakamit ang 100 units na benta. Nasa katwiran ba ang aking employer sa binabalak na pagtanggal sa akin? — Jeffrey
Dear Jeffrey,
Parte ng management prerogative ang pagbibigay ng sales quota na kailangang matupad ng mga empleyado at makakatulong sa paglago ng kumpanya. Subalit, ang pagbibigay ng quota na ito ay kinakailangang gawin sa mabuting pamamaraan. Sa kasong Aliling vs. Feliciano, G.R. No. G.R. No. 185829, April 25, 2012, sinabi ng Korte Suprema, sa pamamagitan ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Presbitero Velasco, Jr. na:
“In fine, an employee’s failure to meet sales or work quotas falls under the concept of gross inefficiency, which in turn is analogous to gross neglect of duty that is a just cause for dismissal under Article 282 of the Code. However, in order for the quota imposed to be considered a valid productivity standard and thereby validate a dismissal, management’s prerogative of fixing the quota must be exercised in good faith for the advancement of its interest. The duty to prove good faith, however, rests with WWWEC as part of its burden to show that the dismissal was for a just cause. WWWEC must show that such quota was imposed in good faith. This WWWEC failed to do, perceptibly because it could not. The fact of the matter is that the alleged imposition of the quota was a desperate attempt to lend a semblance of validity to Aliling’s illegal dismissal. x x x”
Sang-ayon sa nabanggit na kaso, ang pagkabigo ng isang empleyado na matugunan ang mga benta o mga quota sa trabaho ay nasa ilalim ng konsepto ng gross inefficiency, na kahalintulad naman sa gross neglect of duty na isang makatarungang dahilan para sa pagtanggal sa trabaho sa ilalim ng Artikulo 282 ng Labor Code of the Philippines. Gayunpaman, upang maituring ang ipinataw na quota na wastong pamantayan sa pagiging produktibo at sa gayon ay masuportahan





Comments