Makakatulong daw sa show nila sa TV5… MAJA, JAY-R AT DJ LOONYO, GAME NANG MA-BASH
- BULGAR
- May 27, 2021
- 3 min read
Updated: Jun 4, 2021
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 27, 2021

Ipinakilala na rin kahapon ang mga hosts at headhunters ng pinakabagong reality show sa TV5, ang PoPinoy na ang goal ay makatuklas ng mga ultimate Pinoy Pop idols na puwede nating ipantapat sa mga sikat na K-Pop idols na pinagkakaguluhan ng mga kabataan at feeling bagets.
Pinagsamang Kapamilya at Kapuso stars ang bubuo sa PoPinoy sa pangunguna ng mga headhunters na sina Maja Salvador, Jay-R, DJ Loonyo at Kayla Rivera.
Sina Paolo Ballesteros at Maine Mendoza naman ang mga hosts ng PoPinoy na mag-i-interview sa mga contestants.
Natanong si Maja kung ano'ng pakiramdam niyang katrabaho ngayon sina Paolo at Maine at aniya, "It's refreshing kasi mga bagets kaming nagsama-sama. Siyempre, excited ka kasi 'andito ang Cignal at APT para mapagsama-sama ang mga artista sa iba't ibang network."
Hindi naman daw inasahan ni Maine na lalabas siya sa ibang network bukod sa GMA-7 pero natutuwa siyang na-consider siya at eto nga, mapapanood na rin sa TV5 every Sunday starting June 6, at 8 PM kung saan may primer ang PoPinoy bago ang grand launch nito sa June 13.
Excited na sina Paolo at Maine na mag-host at mag-interview ng mga contestants sa PoPinoy para malaman daw nila ang background ng mga ito at nang maka-relate ang mga viewers. Pero paglilinaw ni Paolo at maging ni Maja, wala raw kinalaman ang istorya ng buhay ng mga contestants sa scores na ibibigay sa kanila ng mga headhunters para manalo sa show.
Sabi ni Maja, mas gusto pa rin niyang husgahan ang performance ng mga contestants, so hindi ito usapin ng awa para mapili lang at manalo sa show.
Tinanong din namin sila kung paano nila inihanda ang sarili na ma-bash ng mga netizens na hindi a-agree sa kanilang mga choices kung saka-sakali.
Pare-parehong sabi nina Maja, Jay-R at DJ Loonyo, handang-handa na silang ma-bash at biro pa nga nina Maja at Jay-R, welcome raw ang mga bashers sa show dahil ibig sabihin lang nito, pinapanood sila.
Oh, well, exciting panoorin ang PoPinoy dahil for sure, hindi lang ang mga tutuklasing bagong talents na magiging ultimate Pinoy Pop idols-sensation ang aabangan dito kundi maging ang hosting performance nina Paolo at Maine at ang judging skills nina Jay-R, Kayla, DJ Loonyo at ni Maja Salvador.
Tutok lang sa TV5 simula sa June 6, Sunday, 8 PM sa PoPinoy!
Nang makita ang mister mo sa TV, Charlene…
ANAK NI JESSA KAY DINGDONG, TINAWAG NA TATAY SI AGA
STAR Magic artist na rin ang unica hija ng mag-asawang singers na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na si Jayda.
Thru Zoom mediacon, ipinakilala kahapon si Jayda Avanzado bilang pinakabagong Kapamilya star at talent ng Star Magic at Rise Artists Studio, kung saan ang pinakaunang project ni Jayda ay ang kanyang first single titled MU (Malabong Usapan).
Napakagandang bata ng 18-anyos na singer-composer na umaming bukod sa pagkanta ay game na game ring subukan ang pag-arte tulad ng kanyang celebrity parents.
Natanong nga si Jayda na kung magkakaroon siya ng acting project, sino ba ang gusto niyang makasama.
Kinikilig na pag-amin nito, LizQuen fan siya kaya gusto niyang makatrabaho sina Liza Soberano at Enrique Gil.
Pero what's surprising ay ang inamin ni Jayda na gusto rin niyang makasama sa isang project si Aga Muhlach.
Nakakatawang kuwento pa nga niya, nu'ng mga 3 yrs. old daw siya, napagkamalan niyang tatay niya ang mister ni Charlene Gonzales nang makita niya ito sa TV screen.
Tingin daw niya ay malaki ang pagkakahawig ni Aga sa kanyang amang si Dingdong, kaya nu'ng makita niya si Aga sa TV, nagmamadali pa siyang tinawag ang kanyang Mommy Jessa at itinuro si Aga sabay tawag ditong 'dada' niya.
Tawang-tawa naman daw si Jessa at sinabing hindi niya tatay si Aga.
Anyway, career daw ang focus at priority ngayon ni Jayda at hindi love life, although aminado siyang may 'nagpaasa' na rin sa kanya kaya niya nabuo ang kantang MU o Malabong Usapan.
Mukhang maagang napaso sa pag-ibig si Jayda kaya ayaw daw niyang magmadali at alam niyang darating sa tamang panahon si Mr. Right.
Tama naman. Sa ganda at talent ni Jayda, malayo pa ang mararating niya sa showbiz kung uunahin niya ang career kesa boylet. Kesa boylet daw, oh!
Samantala, sa June 26 na mapapanood ang first ever concert ni Jayda titled Jayda Avanzado in Concert via online streaming.






Comments