top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Maituturing na child abuse ang pagdala ng edad 12 o pababa sa motel...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 11, 2020
  • 2 min read

Hotel at beach lalo na kapag ‘di kamag-anak

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 11, 2020



Dear Chief Acosta,


Tama ba iyong nagsabi sa akin na kailangan ko diumano mag-ingat sa mga pagsama at pagdala na aking ginagawa sa aking tinulungan at kinupkop na batang babaeng palaboy sa aming lugar sa mga pook tulad ng motel, sauna, o maging sa aking kotse nang kami lamang dalawa? Ayon sa aking kakilala, maaari diumano akong kasuhan ng child abuse kahit wala naman akong ginagawang masama sa pamamagitan lamang ng mga nabanggit na pagsama sa akin. – Lamelo


Dear Lamelo,


Ang sagot sa inyong katanungan ay opo. Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Seksiyon 10 (b) ng Republic Act Number 7610, o mas kilala sa tawag na “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act,” ang krimen at kaparusahan na ipinapataw sa taong matatagpuan na may kasamang menor-de-edad na 12 taong gulang lamang o kaya naman ay mas bata ng 10 taong gulang o higit pa, sa mga lugar tulad ng hotel, motel, beer joint, discotheque, cabaret, pension house, sauna o massage parlor, beach at iba pang tourist resort o mga tulad na lugar, viz:


“Section 10. Other Acts of Neglect, Abuse, Cruelty or Exploitation and Other Conditions Prejudicial to the Child's Development. –
xxx  xxx  xxx
(b) Any person who shall keep or have in his company a minor, twelve (12) years or under or who in ten (10) years or more his junior in any public or private place, hotel, motel, beer joint, discotheque, cabaret, pension house, sauna or massage parlor, beach and/or other tourist resort or similar places shall suffer the penalty of prision mayor in its maximum period and a fine of not less than Fifty thousand pesos (P50,000): Provided, That this provision shall not apply to any person who is related within the fourth degree of consanguinity or affinity or any bond recognized by law, local custom and tradition or acts in the performance of a social, moral or legal duty.
xxx  xxx  xxx.”

Alinsunod sa nabanggit na probisyon ng batas, makikita na ang sinumang tao na matatagpuang may kasamang menor-de-edad sa mga nasabing lugar na hindi niya kamag-anak sa ikaapat na antas ay maaaring mapatawan ng kaparusahang pagkakakulong dahil ito ay pamamaraan ng child abuse. Dahil dito, tama ang naging payo ng inyong kakilala na dapat kayong mag-ingat sa pagsama ng isang menor-de-edad na hindi ninyo naman kamag-anak.


Gayunman, kung desidido kayong tumulong at mag-aruga sa batang ito, mas mainam na sumangguni muna tayo sa pinakamalapit na social welfare institution sa inyong lugar para malaman kung legally qualified for adoption o maaaring ampunin ang nasabing bata sa legal na paraan. Kung sakaling qualified siya, mas mainam na sumailalim kayo sa legal na proseso ng adoption.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page