top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Mahiya naman daw, ang tatanda na… PARENTS NINA SARAH AT RICHARD, MAS MAINGAY PA KESA SA MGA ANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 11, 2023
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | December 11, 2023




 

Sumali na rin ang ama ni Sarah Lahbati na may Instagram name na @abdel_lahbati sa hiwalayan issue ng anak at ng mister nitong si Richard Gutierrez. 

 

Ibinulgar kasi ni Annabelle Rama na isang buwan nang nakatira sa kanya si Chard at dalawang anak nitong sina Zion at Kai.

 

Parehong hindi umaamin ang estranged couple sa kanilang hiwalayan. Pero sa tinuran ng ina ng aktor, para na rin niyang kinumpirma na hiwalay na nga ang anak at si Sarah.

 

Sa Instagram ng ama ng aktres ay may post itong larawan kung saan kumakain silang buong pamilya.

 

Ani @abdel_lahbati, "Enjoying every moment with family. The convoy gets going and don't mind dogs barking."

 

At nagpasalamat pa siya, "Thank you all for your love and support. May God bless everyone."

In-assume ng mga netizens na may pinatatamaan ang biyenan ng aktor.

 

"In short, talagang malaking factor sa paghihiwalay ng dalawa. Itong mga magulang ni Sarah at si Annabelle ay may hidwaan na."

 

"Simula pa lang noong nagkaroon na ng hidwaan ang mga nanay ng both sides, pero naagapan at hindi na lumaki. Na-patch-up agad. Ngayon siguro, mahihirapan nang magkaayos. Pati tatay, sumali na. Sana, magkaayos alang-alang sa mga bata. Iwasan na sanang magbitiw ng masasakit na salita. Ayusin sana in private."

 

"Hindi na lang mag-quiet sila para sa mga apo. Ang tatanda n'yo na, oi!" 

 

"Matanda na rin 'yang mga anak n'yo, kaya na nila 'yan. Mahiya naman kayo, mas maingay pa kayo sa hubby and wife na naghiwalay talaga. Jusme, kung may 'di pagkakaintindihan, hala, mag-usap, o 'di kaya magplastikan na lang. 'Wag 'yung sa social media magparinigan. 'Yung tatay pa talaga naunang mag-post kesa sa asawa niya, ah? Lumalaban ang lolo."

 

"Ever since naman, mortal kombat mode si Esther vs. Anabil (Annabelle), parehong 'di pabor sa daughter/son-in-law... talagang ipinaglaban lang nina S/R ang relationship nila to the point na tumamlay mga karir nila (up and coming si S while R WAS 7's premier leading man) kaya sayang naman 'yung nabuo nilang relationship if hindi nila maaayos 'tong gusot. Love is 10% feelings and 90% hard work."

 

"Nauna naman kasing "kumahol" si Tita A. Sana hindi na lang sumawsaw ang matatanda. O kaya, palipasin muna ang konting panahon para kumalma ang sitwasyon. Kawawa 'yung dalawang bagets."

 

Samantala, may bagong post si Sarah Lahbati sa kanyang social media account.

 

Sa Instagram ng aktres ay may ipinost siyang series of photos na sarili niyang mga kuha.

 

Aniya sa caption: "Psalms 136:2  Oh, give thanks to the God of gods! For His mercy endures forever."

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page