Mahihirap at nasa krisis, saklaw ng Free Funeral Services Act
- BULGAR
- 23 minutes ago
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | February 11, 2026

Dear Chief Acosta,
Nais ko lamang malaman kung may batas ba patungkol sa pagbibigay ng libreng funeral service sa ating bansa? Salamat sa iyong kasagutan. — Adelya Kan
Dear Adelya Kan
Ang kasagutan sa iyong katanungan ay matatagpuan sa mga sumusunod na probisyon ng Republic Act (R.A.) No. 12309, na kilala rin sa tawag na “Free Funeral Services Act,” kung saan nakasaad na:
“Section 4. Coverage. - Free funeral services shall be provided to families who are in crisis situations, as determined by the Department of Social Welfare and Development (DSWD), including, but not limited to, indigent families, or those affected by calamities, disasters, or other emergency circumstances that prevent them from affording dignified funeral services.
Section 5. Free Funeral Services for Poor Families. - Free funeral services shall be provided to poor families per death of a family member by accredited funeral establishment anywhere in the country: Provided, That every funeral establishment shall have a uniform indigent funeral package, regardless of such establishment's type or location, available to all poor families, as determined by and in accordance with the DSWD.
Section 6. Requirements for Availing the Indigent Funeral Package. - The bereaved family or representative must present the following to avail the indigent funeral package:
(a) Valid identification card of the claimant or beneficiary;
(b) Death certificate issued by the hospital or city/municipal health office, or certification from the tribal chieftain;
(c) Funeral contract signed by the representative of the deceased's family, the funeral establishment, and an authorized DSWD personnel; and
(d) Social care study prepared by any registered social worker.”
Malinaw na nakasaad sa Seksyon 4 ng R.A. No. 12309 na nagkakaloob ng libreng funeral services sa mga pamilyang nasa sitwasyon ng krisis, batay sa pagdedetermina ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Saklaw dito ang mga indigent families at ang mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad, sakuna, o iba pang emergency na sitwasyon na nagdudulot ng kawalan ng kakayanan upang makakuha ng maayos at marangal na funeral services.
Karagdagan dito, itinatadhana na ang mga libreng funeral services para sa mga mahihirap na pamilya, sa bawat pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya, ay ibibigay ng isang accredited funeral establishment saan man sa bansa. Ang bawat funeral establishment ay inaatasang maglaan ng pare-parehong indigent funeral package, anuman ang uri o lokasyon ng naturang establisimyento, na magagamit ng lahat ng mahihirap na pamilya, ayon sa itinakda at alinsunod sa pamantayan ng DSWD. Para rin sa iyong kaalaman, nakalahad sa Seksyon 6 ng nasabing batas ang mga kinakailangan na isumite upang mapakinabangan ang nasabing libreng funeral services ng mga kwalipikadong tao o pamilya.
Ang nasabing batas ay naaayon sa polisiya ng pamahalaan na kumikilala sa pagtaguyod ng isang makatarungan at dinamikong kaayusan sa lipunan na tumitiyak sa kaunlaran at kasarinlan ng bansa at nagpapalaya sa mga tao mula sa kahirapan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga patakarang nagbibigay ng sapat na serbisyong panlipunan at nagtataguyod ng ganap na trabaho, tumataas na antas ng pamumuhay, at pinabuting kalidad ng buhay para sa lahat ng Pilipino.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




