Maganda lang daw… NABULGAR: BEA, BURARA NA, TAMAD AT MAKALAT PA SA BAHAY
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | April 5, 2021

Tawa kami nang tawa habang pinapanood namin ang latest vlog ni Bea Alonzo sa kanyang YouTube channel na ang title ng episode ay My Family Plays Who’s Who.
Say ng aktres, “Nag-prepare ng questions ‘yung team ko na ia-answer ng mama ko sa pag-dump ng mukha namin dito sa (palangganita), hindi lang basta tubig, merong ice kaya sarado ang mga pores namin ni James.”
“Kabahan na kayong magkapatid,” nakatawang sabi ng Mommy Mary Anne ni Bea.
Hirit pa ng dalaga, “Ang sabi nila, ang magsasabi lang daw ng totoo at tunay na ikaw ay ang nanay mo.”
Nabuking na tamad pala sa gawaing-bahay si Bea dahil inilublob kaagad siya ng ina sa tanong na “Sino ang mas tamad sa gawaing-bahay?”
“‘Di ba, tamad ka talaga since bata ka?” hirit ng nanay niya kay Bea.
At hindi lang tamad, makalat pa pala ang dalaga dahil sa tanong na “Sino ang mas makalat sa gamit?” inilublob ulit si Bea ng nanay niya na tawa nang tawa.
“In my defense, organized din ako. Si James kasi, sobra niyang OC (obsessive-compulsive) to the point na kahit ‘yung madumi niyang damit sa hamper, tinitiklop niya.”
Dagdag din ng nanay nila, “Grabe talaga ‘to (James), may nagkakabit ng kurtina, sinasabayan niyang magpunas ng basahan, nakakahiya.”
Hirit naman ni James, “Mahirap may alikabok sa bahay, hahaha!”
Sa tanong na “Sino ang mas tanga sa pag-ibig?” jusko po, si Bea pa rin kaya lublob ulit!
Sa tanong naman na “Sino ang mas madalas ma-late?” pambubuking ng mama ng aktres, “Si Ate. Alam n’yo ba, simula bata siya, ang hirap niyang gisingin, (kaya) lagi siyang late! Hanggang sa naiwan na kami ng eroplano, late pa rin kami dahil sa kanya.”
Katwiran naman ng aktres, “Pero sa work, hindi naman ako nale-late. ‘Pag may bayad, hahaha! Saka, hindi rin ako iyakin, ‘pag may bayad lang, hahaha!” habang tawa nang tawa.
Ang dalaga ulit ang inilublob ng kanilang madir sa tanong na “Sino ang mas malihim?”
Sey ng madir ng aktres, “Si Ate, especially sa katangahan niya!”
Malakas din palang maghilik ang magandang aktres dahil sa tanong na “Sino ang mas malakas humilik?” sey ng kanilang madir, “Si James tahimik, ikaw, malakas lalo na ‘pag pagod ka.”
Si James ang mas masinop, bagay na ikinatampo ni Bea at aniya pa, “‘Pag positive, si James.”
“Kasi Ate, kaya madalas mawala ang gamit mo, kasi burara ka. Passport mo nga, naiwanan mo sa eroplano, eh,” balik-tanaw ng ina ng magkapatid.
Hindi naman ito itinanggi ni Bea, at aniya, “Oo, saka dati, nawalan ako ng diamond earrings, naibalot sa tissue, tapos naitapon.”
“So sino ang mas masinop, eh, di siya (James),” katwiran ng ina.
Si Bea pa rin ang inilublob sa tanong na “Sino ang mas magastos?”
“Si Ate pa rin. In fairness naman sa kanya lately, hindi na siya nagsa-shopping,” sabi ng ina ng dalaga.
“Dito na lang ako sa farm ko magastos,” sabi nito.
“Yes, good for me,” nakatawang sabi ng ina.
Halos sumakit naman ang tiyan namin sa katatawa dahil sinabihan ng nanay na pangit ang anak nitong lalaki.
Sa tanong na “Sino ang mas maarte sa katawan?” say ni Mommy Mary Anne, “Dalawa sila, pareho silang vain.”
“Ganito ba ‘yung maarte?” tanong ni James sa ina.
“Pangit ka, pero maarte ka,” natatawang sabi ng nanay nila.
“Grabe naman ‘yung pangit. Ang nanay ang nagsasabi na guwapo (ang anak),” katwiran ng kapatid ni Bea na sinundot naman ng aktres, “Oo, guwapo si James.”
Mabilis na sagot ng nanay nila, “Naku, baka sabihin ng tao, sinungaling ako. Pangit ka!”
“Eh, ‘di ba, magkamukha tayo?” hirit ulit ng kapatid ng aktres.
“Kaya nga pangit ako!”sagot ulit ng ina, “Kaya nag-anak ako ng beautiful (sabay turo kay Bea).”
Marami pang revelations ang nanay nina Bea at James kaya panoorin ito sa YouTube channel ng aktres na sa kasalukuyan ay malapit nang mag-1M views.





Comments