Mag-asawang Discaya, ‘di nakonsensya sa pagnakaw sa kaban ng bayan, ‘malinis na konsensya’? Fake news!
- BULGAR

- Dec 11, 2025
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 11, 2025

MAG-ASAWANG DISCAYA, WALANG KONSENSYA DAHIL BILYON-BILYONG PERA ANG IN-SCAM NILA SA KABAN NG BAYAN, KAYA FAKE NEWS ANG SINABI NI ATTY. SAMANIEGO NA MALINIS DAW ANG KONSENSYA NI SARAH DISCAYA – Sabi ni Atty. Cornelio Samaniego, abogado ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya, malinis daw ang konsensya ng mag-asawang ito at patunay daw na kahit wala pang warrant of arrest sa kasong malversation of public funds at graft patungkol sa flood control projects scam na isinampa ng Ombudsman kay Mrs. Discaya, nagpasya na itong sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI).
Sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 18, ipinakita ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson ang data na mula year 2016 hanggang 2025 ay umabot sa P207 billion ang nakopong kontrata sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga construction firms ng mag-asawang Discaya, at halos lahat ng kanilang mga flood control projects ay ghost, substandard at unfinished projects. Pagpapatunay ito na wala silang konsensya, kaya 'yung sinabi ni Atty. Samaniego na malinis daw ang konsensya ni Sarah Discaya sa mga kasong kinakaharap, fake news 'yun, boom!
XXX
BUWAGIN NA ANG ICI KASI WALA ITONG 'PALABRA DE HONOR' – Walang "palabra de honor" ang mga taga-Independent Commission for Infrastructure (ICI) kasi ang sabi nila noon sa mga susunod nilang hearing ay isasapubliko na nila ito sa pamamagitan ng live streaming. Pero, napako ang pangako nilang ito dahil ipinagpatuloy nila ang imbestigasyon sa pamamagitan ng closed-door hearing.
Ika nga, ang sinuman na walang isang salita ay hindi dapat pagkatiwalaan, at dahil walang "palabra de honor" ang ICI at kuwestiyonable ang isinasagawa nilang closed-door hearing. Ang dapat sa komisyon na ito ay buwagin na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. (PBBM) at ipaubaya na lang sa Senado, Kamara, Department of Justice (DOJ) at Ombudsman ang imbestigasyon sa mga sangkot sa flood control scandal, period!
XXX
MGA KURAKOT NA SENADOR, EX-SENATORS AT MGA SUSPECTED KILLERS-KIDNAPPERS NA GRUPO NI ATONG ANG TILA SAMA-SAMANG MAGPA-PASKO SA CITY JAIL – Sa isyung flood control scandal, magkasunod na sinabi nina PBBM at Ombudsman Boying Remulla na bago mag-Pasko ay may mga senador at dating senador na sangkot sa flood control projects scam ang makukulong. Sa isyu naman ng missing sabungeros, inanunsyo ng DOJ na may basehan daw para sampahan nila ng mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention ang grupo ni gambling tycoon Charlie "Atong" Ang.
Tila yata hindi lang mga kurakot na senador, ex-senators ang magpa-Pasko sa city jail, kundi pati ang mga suspected killers-kidnappers na grupo ni Atong Ang, abangan!
XXX
IPINAGBAWAL NI MAYOR VICO ANG ADVERTISEMENTS NG MGA PASUGALAN SA PASIG CITY, PERO MGA RAKET NA STL-CON JUETENG AT LOTTENG SA LUNGSOD, TULOY PA RIN ANG OPERASYON – Good news! Para hindi raw malulong sa sugal ang kanyang mga kababayan, ipinagbawal ni Mayor Vico Sotto ang paglalagay sa mga billboards ng mga advertisements ng iba't ibang uri ng sugal sa Pasig City.
Bad news! Tuloy pa rin ang raket nina alyas "Kits" at "Egay" na mga sugal-lupa na Small Town Lottery (STL)-con jueteng at "lotteng" sa Pasig City.
Para maging makatotohanan ang kampanya ni Mayor Vico laban sa sugal, sana ipa-stop na rin niya ang mga raket na STL-con jueteng at "lotteng" sa Pasig City, period!







Comments