top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mag-adjust na lang daw… ANGEL, TANGGAP NA 'DI NA MAKAKABALIK SA DATI ANG 'PINAS

  • BULGAR
  • Apr 22, 2021
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | April 22, 2021




Nobyembre 8, 2020 sana ang kasal nina Neil Arce at Angel Locsin, pero dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi ito natuloy.


Gayunpaman, hindi nalungkot ang dalawa sa nangyari dahil marami silang natutunan sa pandemya at hindi rin ito naging abala sa kanila.


Nakapanayam ni Bianca Gonzales-Intal, host ng Cinema News, si Angel na naka-upload sa YT channel.


“Sa amin, hindi abala ‘yun sa rami ng cancelled weddings, cancelled events, naghihirap ang events community. Parang hindi ako makapagreklamo, wala tayong choice kundi mag-adjust, hindi ‘yung puwedeng kung ano lang ang gusto natin.


“Itong pandemic na ‘to, natutunan ko kung paano mag-compromise, hindi ‘yung kung ano ang gusto natin. Maraming pangyayari na nagpa-realize sa akin na hindi na tayo puwedeng bumalik sa dati. Kailangan na nating matutong mag-adjust para mag-survive,” kuwento ng aktres.

Pero kahit hindi natuloy ay nag-dinner sina Neil at Angel sa mismong araw na dapat ay kasal nila.


“Nag-dinner lang kami sa bahay ng special take-out. Wala naman, ganu’n lang, nasabi lang namin, 'Dapat ikakasal tayo today.' Parang isang normal na araw na, ‘Ay, sayang.’ ‘Yun lang ‘yung naging reaksiyon namin,” say ni ‘Gel.


Hindi naman nagbanggit pa ang host ng Iba ‘Yan kung kailan na ang petsa ng kasal nila at kung saang simbahan ito gaganapin. Itutuloy pa rin kaya nila ang dating petsa na Nov. 8 at maging ang venue?


Anyway, naibahagi ng aktres na noong bata siya ay wala siyang dream wedding.

“Wala akong dream wedding. Lumaki kasi ako sa community na ang gown, nirerentahan lang. Hindi ka nagpapatahi, walang designer, walang stylist. Para sa akin, isa lang mabilisang event (kasal). Iyon ang nakikita ko nu’ng bata ako.


“Ang alam ko, kakain ka after (reception), ‘yun ang masaya ru'n. Hindi ko naiisip ‘yun nu’ng bata ako, pero curious ako kung sino ang makakasama ko sa habambuhay. Pero ‘yung wedding mismo kung ano'ng gown ang susuotin mo, ano'ng music ‘yung lalakaran mo, wala akong alam,” kuwento ng future Mrs. Arce.


At nu’ng pinaplano pala nila ang kasal ay si Neil ang mas nakialam.

“Surprisingly, si Neil ‘yung groomzilla, ha, hindi ako,” natawang sabi ng dalaga kay Bianca na ikinagulat nito.


“Yes, siya ‘yung nagpaplano. Mas siya pa ‘yung ‘O, kailangan natin itong gawin. O, gusto ko ‘yung ganito, ito (ang) bisita ko, etc.’ Siya ‘yung mas ganu’n,” pambubuking ng dalaga.

Sa madaling salita ay bride chillax lang si Angel.


“Oo, chill lang ako. Actually, sa sobrang chill ko, natapos ko na ‘yung planning namin nu’ng early stage pa lang. Nu’ng nagpo-post siya, tapos after ng mga 4 months kaming nagplano, okay na ako, tapos na ako.


“Kailangan lang naming baguhin ngayon kasi dahil sa health protocols. Kailangang magbawas ng bisita kahit ayaw ko talagang magbawas kasi iilan lang ‘yung bisita ko na sobrang special sa akin, so masakit sa akin.


“Hindi ko naman puwedeng tanggalin ang lahat ng bisita ni Neil, hahaha! Kawawa naman siya, 'di ba? Okay na, magaling din naman ‘yung wedding planner ko, so wala akong iniintindi. Mahirap masala ‘yung okasyon, baka mahaluan pa ng bashing or ng kung anu-ano,” sabi pa.

May options din daw si Neil sa kasal nila, “Pipili lang ako kung sino'ng wedding planner, sino'ng stylist, make-up artist, sino'ng photographers, videographers. Pipili na lang ako, na-screen na niya lahat ‘yun. Yes or no lang ako, ang saya lang.


“Iba 'pag tumutulong ang fiancé mo rin sa preparations. Baka kasi nagba-bridezillla rin ang mga kababaihan kasi 'pag walang suporta (sa fiancé). Pero kung nakakaramdam sila ng suporta at hindi sila nag-iisa sa journey na ‘yun, I think hindi naman magpa-panic ang mga kababaihan.”


At ang nakakatawang kuwento ni Angel sa food tasting nila.


“May isa lang na natatawa ako, kasi si Neil, hindi talaga umiinom (ng alak), so ang concern lang niya is iced tea. Main concerned niya talaga. Nasa dessert na kami, ha, final stage na, pero siya, nasa iced tea pa rin na hindi naman kasama sa in-offer sa amin.


"Parang pina-meryenda lang kami, ‘yun talaga ang sinisita niya talaga, kasi ayaw niya ng may vanilla. Ayaw niya ng may vanilla sa iced tea, nawi-weirdo-han siya. Kaya ‘yung catering, binago ang recipe para sa kanya, para sa iced tea. Masaya na siya ru’n, ‘yun lang ‘yung pinakialaman niya talaga.


“Sabi ko 'Huy, iced tea lang ‘yan, nasa dessert na tayo. Wala ka bang ibang sasabihin?' Sabi niya, ‘Hindi, ito lang talaga, iced tea, kasi ito lang iinumin ko buong gabi kaya kailangan, perfect ito,’ sabi niya,” tumatawang pambubuking ni Angel.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page