top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Madir ng anak, after iwan ng aktor… CHARLIE, SUOT NA RAW ANG ENGAGEMENT RING NA BIGAY NI CARLO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 5, 2024
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | February 5, 2024



Nakakatuwa si Trina Candaza dahil may sarili nang bahay at hindi niya kinailangan ang tulong ng ex niyang si Carlo Aquino. 


May pa-house tour si Trina sa bago nilang bahay ng anak na si Mithi na mapapanood sa kanyang vlog ang bawat parte ng bahay.


May playroom si Mithi at may sariling bed sa kanyang kuwarto. Sa vlog, mapapanood na katulong ni Trina si Mithi sa pag-aayos ng shelf at ang cute ng video na nasa harap ng salamin si Mithi at nililinis ang mukha.


Malaking bagay kay Trina ang pagkakaroon ng sariling bahay dahil sa condo sila dating nanirahan ni Mithi na limitado ang space. Nilinaw ni Trina na hindi niya sarili ang bahay, nagre-rent lang siya, pero kung patuloy na magiging maganda ang takbo ng kanyang business, makakabili rin siya ng bahay.


Nag-invest daw siya ng furniture and appliances at bed ni Mithi na tinuturuan niyang matulog mag-isa.


Siguro naman, nakarating kay Trina na may suot daw na engagement ring si Charlie Dizon, ang girlfriend ni Carlo. Ano kaya ang comment niya?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page