Madir na nagpamigay sa kanya, nakilala na… JOBERT: NAHIHIYA SIYA, PERO WALANG PAGSISISI
- BULGAR
- May 28, 2021
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | May 28, 2021

Akala namin ay masayang-masaya na ang komedyanteng si Jobert Austria dahil sa wakas ay nakilala at nahagkan na niya ang tunay niyang ina. Base ito sa post niya sa YouTube channel niya noong Mayo 9, pero una silang nagkita nu'ng Mayo 7.
Ilang linggo pa lang ang nakalilipas ay parang hindi na ulit masaya si Jobert base sa kuwento niya kina Ogie Diaz at Mama Loi sa YouTube channel na Ogie Diaz Update.
Kuwento ng komedyante, “Pagkatapos kong makilala ang nanay ko, siyempre, pakiramdam ko, tuwang-tuwa ako. Saka, relieved ako sa sobrang tagal na panahon. Ang dami kong tanong sa kanya at ‘yung mga sama ng loob ko sa kanya.
“Nagpapasalamat ako sa Diyos na finally napatawad ko s’ya, nakita ko s’ya, at nasabi ko ‘yung mga gusto kong sabihin sa kanya mula nu’ng bata pa ako hanggang tumanda ako.
“Actually, hindi siya nag-sorry. Wala siyang ano… Dahil siguro may-edad na siya, pero honestly, hindi ko nakita ‘yung remorse, eh.
“Pero may guilt, nahihiya siya. Hindi siya makatingin sa akin nang diretso. Siguro, ganu’n naman talaga ang mga nagkakamali, ‘di ba?
“Unang-una, siyempre, bilang nanay, nakaharap mo ‘yung anak mo na ipinamigay mo, mahihiya ka talaga. Pero katulad nga ng sinabi ko, walang nanay siguro na ipamimigay ang anak niya nang walang dahilan. So, hindi siya nag-sorry, pero pinatawad ko pa rin siya.”
Gayunman, napalitan ng pagkadismaya ang pagkikita nila ng ina.
“Ang hindi ko lang nagustuhan siguro sa pagkikita namin ng nanay ko, at siguro ang kinatatakutan din ng karamihan na matagal (nahiwalay) sa nanay nila, ay ‘yung fear na 'pag nagkita sila ay may mga problemang sasalubong sa iyo.
“Actually, nu’ng nagkita kami ng nanay ko, okey naman kaming dalawa, eh. Siya nga nahihiya, eh, pero tinulungan ko siya nu’ng naghiwalay kami.
“Kaya lang, ang problema lang, nagagamit ‘yung pagkikita namin ng nanay ko, ‘di ba? Sabihin man natin at hindi, ayun na, ‘yung biglang nagkakasakit na raw s’ya. Hindi naman s’ya ang nagsabi nu’n, ‘yung mga taong nakapaligid sa kanya.
“Tapos, minsan, baka akala, eh, responsibilidad mo lahat nu’ng responsibilidad ng nanay mo. Well in fact, ang responsibilidad ko lang naman talaga, kaya kami nagkita, at responsibilidad ko sa Diyos, eh, ‘yung nanay ko.”
Say naman ni Ogie, “Ang importante, hindi ka nakalimot na kilalaning muli ang nanay mo. Pangalawa, hangga’t kaya mong tulungan ang nanay mo, tulungan mo.”
Umayon naman ang komedyante sa payong ito ng kanyang talent manager.





Comments