Mabagal na imbestigasyon sa Aduana, lalong nagpapalala ng isyu
- BULGAR

- 19 minutes ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | August 26, 2026

Umaagaw ng eksena ngayon ang magkasalungat na bersiyon kaugnay sa pag-raid ng mga epektos ng sigarilyo.
Bida at kontrabida sa eksena ang mga taga-Aduana at taga-HPG-NCR.
-----$$$--
Lumilitaw kasi na may dalawang bersyon sa likod ng nangyaring raid kamakailan sa isang warehouse na naglalaman ng mga ilegal na sigarilyo sa Sta. Maria, Bulacan.
Nanatiling palaisipan ito kung ano ba talaga ang totoong nangyari?
----$$$--
Ayon kasi sa isang social media post ng veteran broadcaster na si Ramon Tulfo, hinarass at dinisarmahan ang mga ahente ng BoC nang kinukumpiska ng HPG-NCR ang mga epektos na yosi.
Nasuspinde ang mga parak, pero nilinaw sa ulat na “iniimbestigahan” pa ang sitwasyon.
----$$$--
Pero, sinasabing taliwas ito sa spot report na nilabas ng HPG-NCR kaya hindi maiwasan mag-isip ang mga “marites” na posibleng may isang BoC cover-up sa pangyayari.
Lumalabas sa ulat na merong ilang taga-Aduana na umano’y sangkot sa pagbebenta ng ilegal na sigarilyo.
Huh? Totoo ba ‘yan?
-----$$$--
Nabatid na ang ni-raid na warehouse ng HPG-NCR ay katabi lamang ng isang pasilidad na nagsisilbing condemnation site ng BoC para sa mga nasabat at nakumpiskang kontrabando.
Naging usap-usapan na ang HPG-NCR ay binaliktad at pinalabas na masama sa mata ng publiko sa pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Iyan na ang isyu ngayon.
-----$$$--
SINASABI kasing kumpleto ang mga dokumentong magpapatunay na lehitimo ang operasyon ng HPG-NCR.
Pero, nilinaw ng source na makabubuti na antayin ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon para matukoy ang totoong nangyayari.
----$$$--
SA totoo lang, may mga nagsasabi na hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot ang BoC sa kontrobersya o sa mga alegasyong katulad nito.
Matatandaang nasibak noon sa kanyang puwesto ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) field station chief na si Alyas Oliver habang isinasagawa ang isang masusing imbestigasyon ng BOC.
-----$$$---
Ang pangalan ng naturang dating hepe ay kasama sa nabanggit sa liham na ipinadala kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mga concerned officials, employees, at stakeholders ng BoC.
Inireklamo din nila ang ang pagbabalik ng talamak na smuggling kung saan sumabit din ang pangalan ng isang director ng CIIS.
----$$$--
KASI naman ay nauna pa ang pagbitiw sa puwesto ng director kaya’t mukhang nabaon na sa limot ang reklamo kay alyas Oliver.
He-he-he!
-----$$$--
ANG mabagal na imbestigasyon sa isyu ng smuggling sa Aduana ay siyang nagpapalala ng sitwasyon.
Nagpipiyesta tuloy ang mga Marites sa sari-saring espekulasyon kung saan posibleng magpahamak—hindi lang ang mga sangkot, bagkus ay maging kay Kume.
----$$$--
ANG mabigat ay kapag may magsipsip kay PBBM at sorpresang balasahin ang BoC sa gitna ng talamak na isyu ng korupsiyon sa budget at impeachment trial kay VP Sara.
Kailangan kasing “gumandang lalaki” sa mata ng publiko ang mga taga-Malacañang na napupukol ng putik dahil sa kaliwa’t kanang katiwalian sa pamahalaan.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.





Comments