Maaaring maging katibayan ang tax declarations para sa ari-arian
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 18, 2021
Dear Chief Acosta,
Sabi ng kapitbahay ko, walang kuwenta ang pagbabayad ko ng buwis at pagkakaroon ng tax declarations sa aking pangalan sapagkat hindi ito katibayan ng pag-aari ng lupang aking ipinarerehistro sa bisa ng aplikasyon sa kaukulang tanggapan ng pamahalaan. Wala ba talagang halaga ang mga tax declarations? –Robby
Dear Robby,
Para sa inyong kaalaman, ayon sa ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong Spouses Eugenio Ponce and Emiliana Nerosa vs. Jesus Aldanese [G.R. No. 216587, August 4, 2021, Ponente: Honorable Associate Justice Ramon Paul L. Hernando] malinaw na ipinababatid na:
“Indeed, while the tax declaration is not conclusive proof of ownership of Jesus over the subject land, it is an indication however that he possesses the property in the concept of an owner for nobody in his or her right mind would be paying taxes for a property the1t is not in his or her actual or constructive possession. As stressed all too well in Heirs of Santiago v. Heirs of Santiago:
‘Although tax declarations or realty tax payment of property are not conclusive evidence of ownership, nevertheless, they are good indicia of possession in the concept of owner, for no one in his right mind would be paying taxes for a property that is not in his actual or constructive possession. They constitute at least proof that the holder has a claim of title over the property. The voluntary declaration of a piece of property for taxation purposes manifests not only one’s sincere and honest desire to obtain title to the property and announces his adverse claim against the State and all other interested parties, but also the intention to contribute needed revenues to the Government. Such an act strengthens one's bona fide claim of acquisition of ownership.’”
(Binigyang-diin)
Samakatwid, bagama’t hindi lubusan at direktang ebidensiya ng pag-aari ng isang lupa o real property ang tax declarations, itinuturing ito ng Hukuman bilang patunay na mayroong interest at ipinaglalaban ang tao tungkol sa partikular na ari-arian. Maaari itong maging indikasyon ng intensiyon ng nagbabayad na ipaalam niya sa ibang tao na siya ang may hawak sa nasabing ari-arian. Ipinapakita rin nitong hindi niya pinababayaan ang paggampan sa pagbibigay ng buwis para sa ari-arian na kinakailangan ng ating pamahalaan. Higit ang timbang ng pagkakaroon ng ebidensiyang ito, lalo na kung walang patunay ang ibang umaangkin sa lupa o real property na kanila nga ang ari-arian, maging ang pagsakop o possession nito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments