Search
  • BULGAR

Maaaring bang isunod ang apelyido ng anak sa ama kung hindi naman kasal?

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 13, 2021



Dear Chief Acosta,


Ako ay nabuntis, at hindi kami ikinasal ng ama ng aking anak ngunit nais ko na isunod ang apelyido ng aking anak sa kanyang ama. Maaari ba ‘yun kahit hindi kami ikinasal? – Demi


Dear Demi,


Para sa inyong kaalaman, upang maging opisyal ang paggamit ng apelyido ng kanyang ama ng inyong anak, ayon sa Rules 4-5 ng Rules and Regulations Governing the Implementation of Republic Act No. 9255 (An Act Allowing Illegitimate Children to Use the Surname of their Father, Amending for the Purpose, Article 176 of Executive Order No. 209, Otherwise Known as the Family Code of the Philippines), kakailanganin ninyong magsumite ng pampublikong dokumento ng pagkilala (affidavit of recognition), o kaya naman ay affidavit to use the surname of the father (AUSF) kasama ang certificate of live birth sa local civil registry office (LCRO) kung saan isinilang ang inyong anak.


Ibig sabihin, kahit na kayo ay hindi kasal, maaaring gamitin ng inyong anak ang apelyido ng kanyang ama basta’t makapagsusumite lang ng mga dokumentong nabanggit sang-ayon sa batas.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.