top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Maaari bang pagmultahin kahit pa man sumailalim na ng subsidiary penalty?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 29, 2021
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 29, 2021



Dear Chief Acosta,


Ako ay dating nakasuhan at nahatulan ng pagkakabilanggo. Kaakibat din ng aking pagkakakulong ay ang pagpapataw ng tinatawag na “subsidiary penalty” sapagkat noong panahong ‘yun ay bangkarota o insolvent din ako upang makapagmulta na ipinataw din sa akin. Ngayon, dalawang taon na ang nakalipas mula nang aking mabuno ang kaparusahan ng pagkakakulong at ang subsidiary penalty. Gumaan at nakabawi na rin ako sa buhay. Gayunman, itong pagbuti ng aking estadong pampinansiyal ay napag-alaman ng nagkaso sa akin at kanilang ipinaalam ito sa prosekyutor. Ang sabi diumano ng prosekyutor ay maaari magpetisyon sa korte upang pagbayarin ako ng multa o fine. Ang tanong ko, maaari pa rin ba akong pagmultahin kahit sumailalim na ako sa subsidiary penalty? – Jayson


Dear Jayson,


Ang sagot sa inyong katanungan ay opo. Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Article 39 ng Act No. 3815, o mas kilala sa tawag na Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 10159, ang alituntunin sa pagpapataw ng subsidiary penalty, viz:


“Art. 39. Subsidiary Penalty. – If the convict has no property with which to meet the fine mentioned in paragraph 3 of the next preceding article, he shall be subject to a subsidiary personal liability at the rate of one day for each amount equivalent to the highest minimum wage rate prevailing in the Philippines at the time of the rendition of judgment of conviction by the trial court, subject to the following rules:
1. xxx xxx xxx,
“5. The subsidiary personal liability which the convict may have suffered by reason of his insolvency shall not relieve him from the fine in case his financial circumstances should improve.” (As amended by Republic Act No. 5465, which lapsed into law on April 21, 1969.)” (Binigyang-diin)

Malinaw sa nabanggit na probisyon ng batas na maaari pa ring pagmultahin ang dating nahatulan at naparusahan kapag ang pinansiyal na sitwasyon nito ay bumuti. Kaugnay nito, bagama’t sumailalim kayo ng subsidiary imprisonment, ito ay hindi balakid sa pagpapataw sa inyo ng fine gawa ng pagbuti ng inyong sitwasyong pinansiyal.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page