top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Maaari bang makakuha ng mana ang mga magulang mula sa kanilang namatay na anak?

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 8, 2021
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 8, 2021



Dear Chief Acosta,


Ang nag-iisa naming anak ng aking asawa ay namatay tatlong buwan na ang nakalilipas. Dahil sa dami ng kanyang tungkulin at trabaho sa opisina, hindi na nakapag-asawa ito. Kahapon ay may natanggap na tawag ang aking asawa mula sa bangkong pinagtatrabahuhan ng aming anak at sinabing may napakalaking halaga ng pera at dalawang bahay at lupang naiwan ang aming anak. Bilang mga magulang, maaari ba kaming magmana mula sa aming namatay na anak? – Mamita


Dear Mamita,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Article 887 ng Civil Code of the Philippines kung saan nakasaad na:


“Article 887. The following are compulsory heirs:
(1) Legitimate children and descendants, with respect to their legitimate parents and ascendants;
(2) In default of the foregoing, legitimate parents and ascendants, with respect to their legitimate children and descendants;
(3) The widow or widower;
(4) Acknowledged natural children, and natural children by legal fiction;
(5) Other illegitimate children referred to in article 287.
Compulsory heirs mentioned in Nos. 3, 4, and 5 are not excluded by those in Nos. 1 and 2; neither do they exclude one another.
In all cases of illegitimate children, their filiation must be duly proved. The father or mother of illegitimate children of the three classes mentioned, shall inherit from them in the manner and to the extent established by this Code.” (Binigyang-diin)

Base sa nabanggit na batas, ang mga magulang ay maaaring magmana mula sa kanilang mga anak kung ang anak nila ay single at walang ibang tagapagmana. Dahil dito, malinaw na kayong mag-asawa ay may karapatan sa naiwang pera at ari-arian ng inyong anak.


Nawa ay nasagot namin ang iyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page