top of page
Lakam Chiu arrested - Circulated ABS-CBN.jpg

M’cañang, utak sa mga kaso vs. senators para ma-convict si VP Sara??

Writer: BULGAR
BULGAR
19 hours ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 24, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


MALACAÑANG BA ANG NASA LIKOD NG PAGSASAMPA NG KASO SA MGA PRO-DUTERTE SENATORS PARA MATIYAK ANG CONVICTION NI VP SARA? — Kinasuhan na ng Ombudsman ang pamilya Villar na may kaugnayan sa negosyo nilang Prime Water, kasama sa sinampahan ng kasong graft ay ang magkapatid na Sen. Mark Villar at Sen. Camille Villar, bukod diyan ay inumpisahan na rin ang preliminary investigation kay Sen. Robin Padilla sa kaso namang obstruction of justice na may kinalaman sa sinasabing pagpapatakas kay Sen. Ronald dela Rosa na nahaharap naman sa kasong crimes against humanity at nagbunsod ito para siya (Sen. Dela Rosa) ay magtago, samantalang may inihahanda na ring kasong plunder o malversation laban kay Sen. Alan Cayetano patungkol naman sa sinasabing mga maanomalyang proyekto at transaksyon sa Taguig City, at nauna diyan ay ikinulong na sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Rodante Marcoleta sa mga kasong plunder, at parang ayaw naman nang umuwi sa Pilipinas ni Sen. Loren Legarda dahil sa anunsyo ni Ombudsman Boying Remulla na kakasuhan ng plunder ang senadora, pati kanyang anak patungkol naman sa sinasabing P10 billion "ghost electricity."


Kaya't ang tanong: May kinalaman kaya ang Malacañang sa isinampa at isasampa pang kaso sa kanila para mabawasan ang bilang ng mga pro-Duterte senators at matiyak na mako-convict si Vice President Sara Duterte sa kasong impeachment? Abangan!


XXX


MAYOR BASTE DUTERTE IPANLALABAN NG DAVAO CITY SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION KAPAG NA-CONVICT SI VP SARA — Kung inaakala ng Marcos administration na wala nang magiging panlaban ang Davao City kapag na-convict si Vice President Sara Duterte ay nagkakamali sila.


Ipinostura na kasi ng PDP-Laban si Mayor Baste Duterte na ito ang magiging presidential candidate ng kanilang partido kapag na-convict si VP Sara, period!


XXX


KORINA SANCHEZ PINUTAKTI NG PAMBA-BASH NG MGA DDS DAHIL SA SINABI NIYANG WALANG ASENSO ANG DAVAO CITY — Sablay raw ang sinabi ni broadcast journalist Korina Sanchez na wala raw asenso ang Davao City.


Pinutakti kasi siya ng batikos ng mga Duterte Diehard Supporters (DDS) at tila hindi siya titigilan sa pambaba-bash sa social media hangga't hindi niya binabawi ang kanyang sinabi, hangga't hindi siya nagpa-public apology sa pamilya Duterte, boom!


XXX


PARA HINDI NABA-BASH DAPAT NANG TIGILAN NI DILG SEC. JONVIC REMULLA ANG PAG-AANUNSYO NG FAKE NEWS — Matapos aminin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na nagkamali siya nang ianunsyong nabasura na ang asylum application ni former presidential spokesman Harry Roque sa Austria, ay pinutakti na siya ng pamba-bash sa social media.


Next time kasi huwag nagpe-fake news para hindi naba-bash sa social media, period!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page