top of page

LUIS, BINASTOS NI CRISTINE SA SARILING SHOW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 26, 2024
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | March 26, 2024




Guest ni Luis Manzano sa kanyang Luis Listens YouTube vlog ang aktres na si Cristine Reyes. Ang dami nilang napag-usapan na sa bawat buweltang tanong ng TV host-actor ay hindi siya makatama ng sagot. 


Napagkuwentuhan ng dalawa ang project kung saan nagkasama sila years ago. Pinag-usapan nila kung bakit ang tawagan nila noon sa isa't isa ay "Lags."


“Lags dahil nagkasama kami sa ano'ng show dati? Ano'ng show, tingnan natin kung naaalala mo,” tanong ni Luis kay Cristine.


Agad namang sumagot ang aktres, “Wansapanataym.” 


“Ano'ng episode ng Wansapanataym?” tanong uli ng mister ni Jessy Mendiola. 


“Salamin?” ani Cristine.


“Mali. Kokak,” agad na pagkokorek ni Luis. 


Bumuwelta naman ang girlfriend ni Marco Gumabao, “Kokak... Ikaw 'yung palaka!” 


Agad na tumingin si Luis kay Cristine at pabirong sabi, “Ang sama ng feeling nu'ng sarili mong show, ikaw 'yung binabastos.” 


Bukod sa batuhan nila ng mga salita ay marami pang napag-usapan ang dalawang celebrities na halos tungkol sa personal na buhay ng aktres. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page