top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Lilipat, sinuhulan… WILLIE, BINIGYAN NG BRAND NEW CAR SI ANNA FELICIANO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 28, 2021
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 28, 2021





'Kakabilib talaga ang Wowowin host na si Willie Revillame at mapapa-sana all ka na lang talaga, dahil ang latest, ang kanyang trusted choreographer namang si Anna Feliciano ang binigyan niya ng brand new car!


Ipinost ni Anna sa kanyang Facebook account kung paano ibinigay sa kanya ng kanyang bossing na si Kuya Wil ang Christmas gift nitong orange Cherry car.


Kuwento ni Anna, medyo sumama pa ang loob niya nang utusan siya ni Kuya Wil na magtrabaho sa mismong Christmas Day. Ipinaaasikaso raw nito sa kanya ang napanalunang kotse nu'ng 12.12 Christmas Sale ng Shopee.


Caption ni Anna sa post niya ng picture ng bago niyang Cherry car, "Unexpected. I felt bad pa dahil gusto ako pag-work-in in Christmas Day. 'Yun pala, may surprise. Thank you very much, Kuya!!! Graveee ang pasabog mo! Yes, Kuya, I will never leave the show. Loyal ako sa 'yo, you know that. From Wowowee to Wowowin, from ABS to GMA. Thank you sa pag-appreciate ng craft ko."


Ipinost din ni Anna ang palitan nila ng conversation ni Kuya Wil at du'n nalaman na may sumusulot pala sa beteranang dancer-choreographer.


Sabi ni Kuya Wil kay Anna, "Deserved mo 'yan, Anna. Christmas gift ko sa 'yo sa mahusay mong trabaho.


"Alam ko may ibang shows na kumakausap sa 'yo kaya ayan ang suhol ko sa 'yo para 'di ka umalis. Hahaha!"


LOL! Teka, makapag-resign na nga rin. Char!


Uy, in fairness, ha, 'di si Ms. Anna ang unang staff ni Kuya Wil na binigyan niya ng brand new car.


Kung 'di kami nagkakamali, pati ang kanyang trusted staff na si Wheyee Lozada na aming friendship ay binigyan na rin noon ni Kuya Willie ng kotse at nang maospital nga noon si Wheyee, si Kuya Wil din ang nagbayad ng kanyang hospital bill na inabot nang milyon!


Ay, sorry, nai-Marites tuloy namin. Hahahaha!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page