Life expectancy ng tao, aabot ng 200 taon
- BULGAR

- 4 hours ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | November 1, 2025

Araw ng mga Kaluluwa, patay at santo ngayon.
Sumalangit nawa ang mga yumao.
----$$$--
SA Pilipinas, emosyonal ang paggunita sa araw ng ito.
Nagbabalik kasi ang alaala ng yumao sa mga araw na ito at tumitingkad kung paano nila ipinadama ang pagmamahal habang sila ay nasa lupa.
----$$$--
GUSTONG ibalik ng mga naulila ang naramdamang pagmamahal na ibinahagi ng mga yumao nang sila ay nabubuhay pa — pero wala na ang pisikal nilang katawan.
Dahil dito, naniniwala sila sa kaluluwa na kakambal ng pisikal na katawan — at ang naturang pisikal na katawan ay kakambal ng kaluluwa.
-----$$$--
SA pinakahuling ulat ng siyensiya, ang DNA ng pisikal na katawan ng tao — ay natuklasang nagmula pa sa kalawakan — at sa aktuwal — interstellar o sa kabila pa ng solar system.
Sa pagdalaw ng 3I/ATLAS comet na may dala-dalang yelo, water vapor, carbon dioxide at tubig — nagpapatunay dito na ang “kasaysayan ng pisikal” na tao ay nag-ugat sa kabila pa ng solar system.
-----$$$--
ANG DNA ay hindi nakikita ng mata — mas magaan ito sa pinakamaliit pang pisikal na bagay — at palutang-lutang sa kalawakan — gaya ng pamamasyal ng 3I/ATLAS comet.
Ibig sabihin, sakto ang description at paggamit ng terminong “langit” — dahil ang pisikal at maging ang kaluluwa — ay babalik sa kalawakan.
Kumbaga, tumpak ang usal na: “Suma-Langit-Nawa!”
-----$$$--
ANG problema — ang tinutukoy natin dito ay ang naturelasa ng tao — sa punto de bista ng siyensiya.
Walang pinag-uusapan dito kung masama o mabuti ang tao — lahat ay sasanib sa kalawakan.
-----$$$--
SAMANTALA, dahil sa artificial intelligence, synthetic intelligence, automation at quantum physics -- at batay sa ipinakikita ng 3I/ATLAS comet — may ibang “physics” na hindi pa natutuklasan ng mga siyentista (scientist).
Sa malaon at madali, dahil sa quantum physics at synthetic intelligence — masusukat na sa loob ng laboratory ang naturalesa ng “kaluluwa”.
----$$$--
SAKALING masakop ng physics ang kaluluwa, malinaw na may lihim na karunungan ang napapaloob sa mga sitas ng Bibliya at doktrina ng mga relihiyon sa balat ng lupa.
Ibig sabihin, ang relihiyon, sekta at mistisismong ipinamana ng mga ninuno — ay higit na may “advance learning” sa ating existence.
----$$$--
Sa loob ng isang dekada mula ngayon — ang life expectancy ng tao ay lalawig at maaaring madoble — puwedeng maging 200 taon imbes na 100 taon lamang.
Nangangahulugan ding totoo at hindi lang literal na nabuhay si Matusalem ng halos isang libong taon sa lupa.
-----$$$--
TALIWAS kay Matusalem na inilalarawan na ugod-ugod at kulubot ang balat — ang mga tao sa ating henerasyon ay mananatiling makisig at makinis ang kutis — kahit higit nang 100 taong singkad.
-----$$$--
ANG paggunita ng All Saints Day at All Souls Day ay hindi lamang pag-alaala sa mga patay, bagkus ay paggunita rin sa hinaharap ng mga tao.
Iba na ang naturalesa ng tao sa nagdaang 100 taon. At maiiba rin ang naturalesa nito sa susunod pang isang siglo.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.








Comments