top of page
BIDA - “NOT TODAY SATAN” TOTE BAG NA IFINLEX NI DENNIS, SOLD OUT KAHIT MAHAL_IG _dennistri

Laruang walang tamang label, bawal

Writer: BULGAR
BULGAR
15 hours ago
2 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | October 3, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Nauunawaan ko po na may mga laruang pambata tulad ng lobo, bola, o marbles na dapat may karampatang balot na naaayon sa batas. Kung sakali pong hindi akma ang pakete ng mga nasabing laruan, ano po ang turing ng batas dito at ano ang maaaring gawin sa mga ganoong bagay? Salamat po sa iyong magiging kasagutan. — Antonio P.





Dear Antonio P.,


Ang kasagutan sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 8 ng Republic Act (R.A.) No. 10620, na kilala rin sa tawag na “Toy and Game Safety Labeling Act of 2013”, kung saan nakasaad na:


“Section 8. Treatment on Misbranded or Banned Hazardous Substance. – A balloon, ball, marble, or toy or game which packaging is not in compliance with the requirements of this Act shall be considered a misbranded or banned hazardous substance. It shall be withdrawn from the market at the expense of the manufacturer or importer and shall not be allowed to be distributed, sold or offered for sale in the Philippines unless and until the requirements of this Act are complied without prejudice to any liability and penalty that may be incurred under Section 10 hereof.”


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang isang lobo, bola, marbles, o laruan o laro na ang packaging ay hindi sumusunod sa mga kinakailangan ng batas ay dapat ituring na isang misbranded o ipinagbabawal na hazardous substance. Ang mga nasabing kagamitan ay dapat bawiin mula sa merkado sa gastos ng manufacturer o importer, at hindi dapat payagang ipamahagi, ibenta, o ialok sa Pilipinas. Ito ay maliban na lang kung at hanggang sa ang mga kinakailangan ng R.A. No. 10620 ay nasunod nang walang pagkiling sa anumang pananagutan at parusa na maaaring ipataw sa ilalim ng Seksyon 10 ng batas.


Para sa iyong kaalaman, ang parusa na nakasaad sa Seksyon 10 ng R.A. No. 10620 ay:


“Section 10. Penalties. – Any person who shall violate any provision of this Act shall be subject to a fine of not less than Ten thousand pesos (P10,000.00) but not more than Fifty thousand pesos (P50,000.00) or imprisonment of not less than three (3) months but not more than two (2) years, or both, at the discretion of the court.”


Ang nabanggit na batas ay naaayon din sa polisiya ng gobyerno na kumikilala na ang mga bata, dahil sa kanilang pisikal at mental na kawalan ng gulang, ay nangangailangan ng espesyal na pangangalaga. Kung kaya, ang obligasyon ng gobyerno ay siguruhin ang karapatan ng mga bata sa wastong pangangalaga at espesyal na proteksyon mula sa lahat ng anyo ng kapabayaan at iba pang mga kundisyong nakapipinsala sa kanilang pag-unlad. Tinitiyak din ng gobyerno ang proteksyon ng mga bata laban sa mga potensyal na panganib sa kanilang kalusugan at kaligtasan sa pamamagitan ng pag-aatas ng espesyal na etiketa sa mga laruan at laro.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyong iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala. 



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page