Fr. Flavie, dapat ipinasuri muna ang utak ni Gracioso bago ilantad

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 3, 2026

2019 SENADOR NA SI SEN. BONG GO AT NOONG OCT. 2020 LANG NAGING SPEAKER SI VELASCO, KAYA FAKE NEWS ANG SINABI NI GRACIOSO NA ANG SENADOR ANG SUMASALUBONG SA KANYA SA PAGKUHA NG MALETANG MAY PERA PARA KAY FPRRD — Sablay ang ginawang pagdawit ni ex-Pat. Rodulfo Gracioso kay Sen. Bong Go na ito raw ang sumasalubong sa kanya sa pagkuha ng maletang may pera na ipinadadala raw ng kanyang amo na noo'y Speaker Lord Allan Velasco para sa noo'y President Rodrigo Roa Duterte.
Bakit sablay?
Kasi noong July 2019 ay senador na si Sen. Bong Go, at si Velasco ay noong October 12, 2020 lang naging speaker.
Ang nais nating ipunto rito ay nang maging speaker si Velasco ay hindi na Special Assistant to the President (SAP) si Sen. Bong Go, isa na siyang ganap na senador, bihira na niyang makasama ang noo'y President Duterte kaya't malinaw na fake news ang pagdadawit ni Gracioso sa senador sa isyu ng maletang may pera, period!
XXX
DAPAT IPINASURI MUNA NI FR. FLAVIE ANG UTAK NI GRACIOSO AT HINDI AGAD INILANTAD KASI PARANG MAY 'KATOK' DAW ITO SA DAMI NG IDINADAWIT SA MALETANG MAY PERA — Ang handler ni Gracioso ay si Fr. Flavie Villanueva, at sa unang paglantad sa publiko ng dating pulis ay unang idinawit nito sa pagtanggap ng mga maletang may pera si Vice President Sara Duterte na pabigay daw ng amo niyang si Velasco, at ngayon naman ay sina Sen. Bong Go at former President Duterte na ang idinadawit niya sa isyu ng maletang may pera.
Dapat sana ang ginawa ni Fr. Flavie ay dinala muna niya si Gracioso sa psychiatrist at ipinasuri ang utak kasi parang may "katok" daw sa pagdawit sa mag-amang Duterte at kay Sen. Bong Go sa isyu ng maletang may pera, boom!
XXX
HINDI PA TAPOS ANG LABAN NI ATTY. VIC RODRIGUEZ SA ISYU NG PAGPAPABABA SA IMPEACHMENT VOTING THRESHOLD — Matapos ibasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon na kumukuwestiyon sa ginawa ng majority senator-judges na pagpapababa sa impeachment voting threshold sa conviction ni Vice President Sara Duterte, ay sinabi ni Atty. Vic Rodriguez na magpa-file siya ng MR o motion for reconsideration sa Korte Suprema para baligtarin ang naunang desisyon ng mga mahistrado na nagbasura sa kanilang petisyon.
Ibig sabihin niyan ay hindi pa tapos ang laban sa kinukuwestyong pagpapababa sa voting threshold ng impeachment court, period!
XXX
BUHAY SA PHILIPPINES, PAHIRAP NA NANG PAHIRAP! — Humina na naman ang halaga ng piso kontra dolyar kasi ang katumbas ngayon ng $1 ay P62.57.
Talagang pahirap na nang pahirap ang pamumuhay sa Philippines kasi mantakin n'yo, ang taas na ng presyo ng krudo, pati mga bilihin at bayarin, tapos pahina naman nang pahina ang halaga ng piso kontra dolyar, tsk!





Comments