Ang galing mag-promote, Jennylyn… “NOT TODAY SATAN” TOTE BAG NA IFINLEX NI DENNIS, SOLD OUT KAHIT MAHAL

ni Nitz Miralles @Bida | October 3, 2026

Photo: IG _dennistrillo
Ang lakas mag-promote ni Dennis Trillo dahil ‘yung red tote bag na may nakasulat na “Not Today Satan” ay sold out na kahit hindi ito mura, ha?
Imagine, P1,369.00 ang bag na mula sa Privileged & Entitled pero agad na-sold out!
Still on Dennis, nag-post ito ng: “Good morning! Seryoso muna tayo today... taping muna ako ng HARI NG TONDO! Of course, no bashing, it’s for fun.”
Hindi pa nito nabasa ang comment ng isang netizen na, “Lakas naman ng loob mo. May ambag ka ba habang lumalaki sina Julia, Claudia at Leon?”
Natawa ang mga nakabasa dahil napagkamalan si Dennis Trillo na si Dennis Padilla.
Hinihintay ang sagot ni Trillo sa comment na ito na inakalang si Dennis Padilla siya dahil siguradong hahaluan na naman nito ng comedy.
Si Jennylyn Mercado naman, ini-like ang Instagram (IG) post ni DJ Chacha na, “Action will always speak louder than words. You can say all the right things, share beautiful thoughts and preach good values but at the end of the day, it’s how you live them that truly matters.
‘Di kailangan ng maraming salita. Let your actions speak for you.
“Kaya naman, kung kulang ka sa gawa at lalo kung wala rin namang ambag, mas maiging manahimik na lang. Kasi ang salita, ‘pag ‘di tugma sa ginagawa, eventually, babalik at magba-backfire din sa ‘yo.”
Anak mo, Rey “PJ”, may hugot?
CARLA, NAG-SHARE NG POST NG HINDI NAGSUSUSTENTO SA ANAK
Nabasa ang pagse-share ni Carla Abellana ng post ng ABS-CBN News tungkol sa hindi pagsustento sa anak. Hindi na nag-comment ang aktres, bahala na raw tayo mag-react.
Ang post ay sagot ni Atty. Enrique ‘Buko’ dela Cruz Jr. sa tanong na, “Puwede bang kasuhan ang ‘di nagsusustento sa anak?”
“Ang sagot ay opo. Sa ilalim ng anti-Violence Against Women and Children Act, isa sa uri ng violence against women and children ay ‘yung ‘di pagbibigay ng sustento.
“So kahit na ‘di kayo kasal, kahit na magsyota, magjowa lamang kayo, basta meron kang anak sa ibang babae, obligasyon ng lalaki na magbigay ng kanyang bahagi para sa pangangailangan ng anak,” sagot ni Atty. Buko.
Hala! Malinaw ang sagot at pahayag ng abogado. Sa mga hindi nagsusustento, magsustento na kayo bago pa kayo makasuhan.
Speaking of Carla, nagpasilip ito ng buhay niya sa piling ng asawang si Dr. Reginald Santos. Nagluluto si Carla nang lumapit ang asawa, karga ang isa nilang fur baby.
Kita sa mukha ng aktres ang saya at kapayapaan. Parang tama ang fans na baby na lang ng mag-asawa ang kulang para mas sumaya pa ang kanilang buhay.
“TATTOOED Lady” ang tawag namin kay Jenn Rosa dahil sa tattoo niya sa left arm at siya lang sa mga VMX (Vivamax) actresses ang may ganitong tattoo.
Comment ng press, nakakadagdag sa sex appeal ni Jenn.
Anyway, nagbabalik si Jenn sa sexy movie na Tatak Jenn Rosa and this is her 19th VMX project.
Directed by Christian Paolo Lat, Jenn takes the viewers through some of her intense and unforgettable onscreen moments.
Gaya sa mga nauna niyang VMX projects, hindi bibiguin ni Jenn ang mga manonood dahil ibibigay niya kung ano ang ine-expect sa kanya ng mga viewers, lalo na ng kanyang mga fans.
SA Sunday na, October 4, gaganapin ang 2026 Dekada Awards ng Multi-Media Press Society of the Philippines, Inc. (MMPRESS), 6 PM sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Auditorium sa Pasig City.
The awards is co-presented by the office of Hon. Javier Miguel ‘Javi’ Lopez Benitez, who is the Chairperson of the House Special Committee on Creative Industries.
May 32 Dekada awardees na tatanggap ng award na ang trophy ay gawa sa upcycled, reused at repurposed material ng talented Ivatan artist.
Kabilang sa mga awardees sina Vilma Santos, Dennis Trillo, Daniel Padilla, Joanna Ampil, Kathryn Bernardo, Alessandra de Rossi, Charo Santos-Concio, Vince Tañada at Noel Trinidad.
Awardee rin sina Maricel Soriano, Piolo Pascual, Allen Dizon, LJ Reyes, Paolo Ballesteros, Hasmine Kilip, Aga Muhlach, Nadine Lustre, Judy Ann Santos, Elijah Canlas, Janine Gutierrez, John Arcilla, Max Eigenmann, Charlie Dizon, Marian Rivera, Erik Matti, Regal Films, Viva Films at Star Cinema.





Comments