Lantaran ang lambingan sa socmed… YASSI AT LUIGI, "BUB" AT "BABE" ANG TAWAGAN
- BULGAR
- Feb 23, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | February 23, 2024

Napapanood pa rin sa Black Rider si Yassi Pressman at ibig sabihin, nakakapag-taping pa rin siya.
Sabi kasi, hindi na nakakapag-taping si Yassi dahil madalas siyang mag-stay sa Camarines Sur para samahan ang boyfriend na si CamSur Governor Luigi Villafuerte.
Uunahin naman siguro ni Yassi ang trabaho kesa love life niya, dahil kagagalitan siya ng Viva Artists Agency kapag napabayaan ang trabaho. Pero, madalas nga sa CamSur si Yassi lalo’t maraming ganap du’n.
Kasama nga siya sa mga nag-welcome sa mga participants sa Ironman triathlon at sabi nito, pumunta siya sa CamSur to support the homecoming of Ironman at suporta na rin sa dyowa niya.
“Came to support the homecoming of @ironmantri in CamSur, the first place in Asia to hold IronMan!! It was so inspiring to see so many athletes give their all, siguradong naging inspirasyon din po kayo sa marami! Galing! Congratulations!”
Nag-congratulate si Yassi sa boyfriend na “Bub” pala ang tawag niya.
Sa speech ni Luigi, tinawag nitong “Love of my life” at “Babe” si Yassi. Nag-“I love you” pa kay Yassi si Luigi habang nasa stage, na kinakiligan naman ng mga taga-CamSur.




Comments