Laman ng bag, bawal… ALEX, NA-HOLD SA AIRPORT SA AMSTERDAM
- BULGAR
- Mar 1, 2024
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | March 1, 2024

Si Alex Gonzaga ang guest ni Carla Abellana sa vlog ng huli.
Habang ginagawa ng Kapuso actress ang bag raid sa misis ni Mikee Morada ay nagkukuwento si Alex ng experience niya sa airport.
Aniya, minsan na siyang na-hold sa airport dahil umano sa lotion. Ang dami umanong tanong ng airport officer sa kanya na inabot nang halos isang oras.
Kuwento ni Alex, "May story kasi diyan. Nu’ng nasa Europe kami nu’n, Amsterdam papuntang Venice, so bago ako bumaba ng airport, nag-ganu’n ako. Feel na feel ko... hinawakan ko 'yung bag ko, tapos, alam mo ‘yung sa airport, ‘yung ginaganu’n ng cotton, tapos pag-uusapan nila... 'Uy, alam mo ang tagal ko doon.’”
Patuloy niya, "Naka-hold na ako nito, mga one hour na. Bumaba na 'yung pinaka-head.
Tapos, kinausap ako nu’ng head kasi ginanu’n uli niya. ‘Did you leave your bag?’ Natakot ako.
Sabi ko, ‘No!’ ‘Did you put anything in your bag?’ ‘No!’ ‘Did you ask someone to hold it for you?’ ‘No!’ ‘Did you clean your bag?’ ‘No!’ ‘Did you put anything?’ Usap na naman sila.
Natatakot na ako.
"Bigla kong naisip, sabi ko 'Hey, I put lotion!' Eh, nakita nila, puro Hong Kong, okay... okay. 'Yun pala, nababasa. So medyo delikado pala..."
Hanggang ngayon daw ay ginagawa pa rin ni Alex ang magdala ng lotion. Pero, nagbigay din siya ng babala sa mga netizens na nagbibiyahe na ‘wag magdadala ng lotion lalo na kung nasa malaki itong lalagyan.





Comments