Lalo na ‘pag may tao sa gusali… Labag sa batas ang pagla-lock ng mga fire exits
- BULGAR
- Nov 17, 2021
- 1 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 17, 2021
Dear Chief Acosta,
Mayroong fire exit ang aking apartment building, subalit palagi itong kinakandado ng may-ari para diumano ay hindi kami pasukin ng magnanakaw. Labag ba sa batas ang ginagawa niyang ito? – Bless
Dear Bless,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 8 (f) ng Republic Act (R.A.) No. 9514, o mas kilala sa tawag na Revised Fire Code of the Philippines kung saan nakasaad na:
“Section 8. Prohibited Acts. - The following are declared as prohibited act and omission.
x x x
(f) Locking fire exits during period when people are inside the building;”
(Binigyang-diin)
Samakatwid, mahigpit na ipinagbabawal ng ating batas ang pagkandado o pag-lock ng mga fire exits sa mga gusali habang mayroong tao sa loob nito. Ibig sabihin, labag sa batas ang ginagawa ng may-ari ng tinitirahan ninyong apartment building.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments