Lahat ng nakalagay sa kasunduan ay walambisa kung walang kasal na nagap
- BULGAR

- Feb 9, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 9, 2021
Dear Chief Acosta,
Pinirmahan ko ang kasunduan sa kasal na ginawa ng aking mapapangasawa dahil may mga kondisyon doon na pabor sa akin. Gayunman, hindi naganap ang aming kasal dahil sa hindi pagkakaintindihan at napagpasyahan naming wakasan ang aming relasyon. Nais ko lang malaman kung ang mga kondisyon sa kasunduan sa kasal ay may bisa pa rin kahit na hindi naganap ang aming kasal. – Kyla
Dear Kyla,
Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Article 81 ng Family Code of the Philippines kung saan nakasaad na:
“Art. 81. Everything stipulated in the settlements or contracts referred to in the preceding articles in consideration of a future marriage, including donations between the prospective spouses made therein, shall be rendered void if the marriage does not take place. However, stipulations that do not depend upon the celebration of the marriages shall be valid.”
Nakasaad sa nasabing artikulo na lahat ng bagay na nakasaad sa kasunduan hinggil sa kasal sa hinaharap, kasama ang mga donasyon sa pagitan ng mga magiging asawa na isinagawa roon ay magiging walambisa kung ang kasal ay hindi naganap. Gayunman, ang mga kondisyon na hindi nakasalalay sa pagdriwang ng kasal ay may bisa pa rin.Malinaw na nakasaad sa ating batas na ang mga kondisyon sa kasunduan sa kasal ay walambisa sapagkat ang inyong kasal ay hindi naganap, maliban sa mga kondisyon na hindi nakasalalay sa pagdiriwang ng kasal.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments