top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lahat ng empleyado ng food establishment, dapat may health certificate

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 27, 2021
  • 1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 27, 2021



Dear Chief Acosta,

Ako ay nag-a-apply bilang tagapagluto sa kainan. Nagtanung-tanong ako sa aking mga kakilala kung anu-ano ba ang mga kinakailangang isumite na dokumento para ako ay matanggap bilang tagapagluto. Nabanggit sa akin na kinakailangan ko diumano ng health certificate. Tama ba siya? – Benjie


Dear Benjie,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Presidential Decree No. 856, o ang Code On Sanitation. Nabanggit sa nasabing batas na:


“Sec. 15. Health Certificates. - No person shall be employed in any food establishment without a Health Certificate issued by the local health authority. This certificate shall be issued only after the required physical and medical examinations are performed and immunizations are administered at prescribed intervals.” (Binigyang-diin)


Malinaw na sinabi sa nabanggit na batas na lahat ng empleyado ng food establishment tulad ng kainan ay kinakailangang mayroong Health Certificate na galing sa local health authority.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page