Lahat na lang daw, ginaya… PIA, IDINISPLEY ANG PUSA, 'BARADO' SA FANS NI HEART
- BULGAR
- Mar 13, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 13, 2024

Sabi na nga ba at may magre-react sa post ni Pia Wurtzbach kasama ang pet cat niyang si Tiny. Ipinost kasi ni Pia ang photo nila ng pusa na may caption na: “Cat pics coming through... reunited with Tiny.”
Mabilis ang naging reaksiyon ng isang netizen na, “Pet lover ka din??? Ano pa'ng gusto mong gayahin, Madam??!!”
Sinang-ayunan naman ‘yun ng haters ni Pia at nag-comment na lahat na lang ay ginaya ng Miss Universe, na kahit walang banggitin na pangalan, alam na si Heart Evangelista ang gustong tukuyin.
Napasagot tuloy ang mga supporters ni Pia na bawal ba siyang mag-alaga ng hayop?
Wala na raw bang karapatan si Pia to have a pet at dapat si Heart lang ang merong mga pet?
Dito tuloy nagsimula ang ‘word war’ ng mga supporters nina Pia at Heart, at kung saan-saan na napunta ang isyu, pati sa make-up ng dalawa, at ang kanilang mga edad ay nadamay na rin.
Nakakatuwa na kapag may sinimulang isyu ang isa, siguradong may sagot ang kabilang kampo, kaya humahaba ang usapan.
Kapag nagkaroon ng pet dog si Pia, siguradong magdo-double ang word war ng fans nila ni Heart dahil maraming alagang aso rin ang asawa ni Chiz.
Comments