Labag sa batas ang pagbebenta ng sigarilyo sa menor-de-edad
- BULGAR
- May 16, 2023
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 16, 2023
Dear Chief Acosta,
Maraming bata ang inuutusan ng kanilang magulang na bumili ng sigarilyo sa aming tindahan. May pananagutan ba ako sa batas kung magbenta ako ng sigarilyo sa isang menor-de-edad na hindi ko naman alam ang kanyang edad? –Kaye
Dear Kaye,
Ang Republic Act No. 9211 o mas kilala bilang Tobacco Regulation Act of 2003 ang siyang batas na angkop sa iyong sitwasyon. Ayon sa Seksyon 9 ng nasabing batas:
“SECTION 9. Minimum Age Sales.—Under this Act, it shall be unlawful:
a. For any retailer of tobacco products to sell or distribute tobacco products to any minor;
b. For any person to purchase cigarettes or tobacco products from a minor;
c. For a minor to sell or buy cigarettes or any tobacco product; and
d. For a minor to smoke cigarettes or any other tobacco products.
It shall not be a defense for the person selling or distributing that he/she did not know or was not aware of the real age of the minor. Neither shall it be a defense that he/she did not know nor had any reason to believe that the cigarette or any other tobacco product was for the consumption of the minor to whom it was sold.”
Samakatuwid, mariing ipinagbabawal ang pagtitinda ng sigarilyo sa menor-de-edad kahit ang nagtitinda ay hindi alam ang aktuwal na edad ng nasabing bata. Kaya naman, mayroon ka pa ring pananagutan sa batas kung sakaling magbenta ka ng sigarilyo sa isang menor-de-edad kahit hindi mo alam ang kanyang edad. Kung may duda ka sa edad ng bumibili ng sigarilyo, mas mainam na humingi ka ng patunay na siya sa nasa ay hustong gulang na.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




Comments