top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

KYLIE, PUMAYAG HUMIGA SA KABAONG

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 10, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | November 10, 2023



Weird ang pagko-congratulate kay Kylie Padilla ng staff ng Black Rider pagkatapos kunan ang eksena niyang nakahiga sa ataul. Pinatay ang karakter ni Kylie sa action series at pumayag siyang humiga sa kabaong. After ng take, bumaba na siya sa kabaong at maririnig ang “Congratulations” ng mga tao sa set.


Special guest lang si Kylie sa BR at hanggang third day lang ang labas niya na ikinalungkot ng mga shippers nina Kylie at Ruru Madrid. Ngayon lang daw uli nagkatrabaho ang dalawa, tapos binitin sila (fans). Nawala na nga agad ang karakter ni Kylie, pinatay pa kaya wala nang chance na bumalik pa siya sa series.


Sabi ni Kylie, may two version ang death scene niya na parehong gruesome. “Two versions both equally gruesome just different attacks. The one aired was the second version but may I say Ruru performed exceptionally in both.”


Madugo ang BR, third episode pa lang, may mga karakter nang pinatay at pinangatawanan ng production ang sinabi na every episode, may guest ang series. Mula noong pilot hanggang Wednesday, ang dami nang guests na lumabas at magugulat ka na lang, kasama pala sila sa series.


Maagang lalabas ang karakter ni Phillip Salvador bilang magte-train kay Elias Guerrero sa arnis at martial arts. Pati mga kaibigang artista ni Ruru, excited na makakasama niya si Phillip at maganda lalabas ang mga eksena nilang dalawa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page