Kung si Richard, may Barbie raw… SARAH, MAY KASAMANG LALAKI SA HK
ni Beth Gelena @Bulgary | Abril 2, 2024

Sa Showbiz Update nina Ogie Diaz at Mama Loi ay napag-usapan nila ang estranged wife ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.
Ayon umano kay Papa Ogs ay nakita ng kanyang source si Sarah sa isang restaurant sa Hong Kong na may kasamang guy.
Sambit pa ng batikang manunulat/talent manager-vlogger, hindi raw knows ng kanyang source kung kaanu-ano ni SL (Sarah Lahbati) ang guy.
Isa raw ba itong kamag-anak o friend ng aktres or isang manliligaw?
Itinanong naman daw ni OD (Ogie Diaz) sa source kung kasama ni Sarah ang kanyang dalawang anak, pero wala raw kasamang mga anak si Sarah.
Ang reaksiyon ng mga netizens… "Meron nang idine-date si Richard ‘di ba?”
"How sad. Kahit crush na crush ko si Richard, eh, sad pa rin ako sa kanyang broken marriage vow. Bagay na bagay pa naman sila physically."
"Sino? Saka kelangan ba, ‘di magpahuli kung meron na ‘yung isa?"
Pagtatanggol naman ng netizen sa aktor, "Walang idine-date si Richard!! If you think it’s Barbie, it’s false po ‘yun kasi may BF si ateng."
Sey pa ng mga netizens, "Ito na. Paisa-isa nang lumalabas ang mga ebidensya."
"Ebidensiya ng ano? Hiwalay na sila, SINGLE si accla.. Isa pa, hindi naman din alam nu’ng Mosang na kumuha ng photo kung ano sa buhay ni S ‘yung lalaki. LOL!"
"Public place and walang display of affection. So safe ‘yang clips. Medyo ang puwedeng mademanda, ‘yung kumuha kasi walang permission."
"Sa public kumakain, mukha namang hindi sila nagde-date at purely business. I've watched her reels, nasa Singapore siya for work with Tumi."
May nagsasabi namang, "’Di naman mukhang date."
"I think ito ‘yung friend nila na pa-mhin. I've seen them before. Jusko para gawan lang ng issue."
"Date na ‘yan? Parang walang something."
"If romantic date nga ‘yan, I'm happy for her!"
Ito pa ang ilan sa mga makikitang comments from netizens…
"Una kong naisip, kung nagtatago ka, diyan ka talaga sa public magde-date? HK pa kung saan ang daming Pinoy? LOL (laugh out loud)! ‘Di naman tanga si Sarah. Saka kung ako si Sarah, sa Disney ako dadalhin? Romantic ba? ‘Di naman. Si Sarah pa naman, high-class.
Siguro, sa super fine dining, puwede pa."
"Mukhang beki ‘yung kasama niya, baka friend lang, ‘kaloka!”
Wika nga ni Ogie, “Antay-antay na lang daw muna kung sino ang guy na kasama ni Sarah.”





Comments