Kung si James, umapir at nakiramay… IPE, DEDMA HANGGANG MAILIBING SI PNOY
- BULGAR
- Jun 29, 2021
- 1 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 29, 2021

Puring-puri ng mga netizens ang ex-husband ni Kris Aquino na si James Yap dahil hindi ito umagaw ng eksena sa funeral mass at libing ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa Manila Memorial Park nu'ng Sabado.
Dumating man si James, tahimik itong nakiramay at nag-stay lang sa likod at hindi na lumapit sa kanyang mag-inang Kris at Bimby.
Ayaw siyempre ni James na pagpiyestahan pa ang pagpunta niya ru'n samantalang libing 'yun ng kanyang ex-bayaw na naging mabait at malapit sa kanya nu'ng sila pa ni Kris.
Samantala, marami naman ang nagtatanong kung bakit hindi man lang daw nagparamdam ang isa pang ex ni Kris na si Phillip Salvador, ang tatay naman ng panganay na anak ng TV host na si Joshua Aquino.
Hindi raw ba naging close si Kuya Ipe sa pamilya Aquino kahit minsan kaya ni wala man lang itong paramdam o pagpapahatid ng kanyang pakikiramay?
Ayaw naming husgahan si Kuya Ipe. Baka naman ipinagdasal na rin nito ang kaluluwa ni ex-PNoy at sa sariling paraan ay nagluksa rin naman.
Ever since rin naman kasi ay hindi naman na siya binigyan ng karapatang madalaw si Joshua, so, parang awkward nga naman na bigla na lang siyang susulpot sa burol at libing.




Comments