Kung kelan quarantine, saka sumikat… PAOLO, PANDEMIC SUPERSTAR
- BULGAR

- Sep 1, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | September 1, 2020

In fairness kay Paolo Contis, kung ang ibang celebrities ay walang trabaho ngayong may pandemic, si Paolo naman, hindi nawawalan ng shows. Ang birong tawag nga nito sa sarili ay “Pandemic Superstar” dahil sa panahon ng Covid-19, napansin ang husay niya at nag-trending at nag-number one pa sa Netflix ang movie nila ni Alessandra de Rossi na Through Night and Day.
Dahil doon, nagkaroon siya ng two movie offers sa Viva Films at tiyak, may mga kasunod pa.
Very visible rin sa telebisyon si Paolo dahil bukod sa Bubble Gang at All-Out Sundays na parehong napapanood sa GMA-7, may online show din sila ni Vaness del Moral, ang Just In kung saan, ang husay niyang mag-host naman ang nadidiskubre.
“I am the pandemic superstar. Malamang malaos na ako pagkatapos ng quarantine,” pagbibiro ni Paolo.
Also on Paolo, dalagita na ang mga anak niya kay Lian Paz at magaganda sila. Ang eldest nga niyang si Xonia ay kamukha ni Liza Soberano. Payag naman siguro sina Lian at LJ Reyes kung gustuhin ni Paolo na pagtagpuin sina Xonia, Xalene at Summer (na anak nina Paolo at LJ).





Comments