KULUBOT NA KILIKILI NI HEART, NILAIT NG NETIZEN
- BULGAR
- Nov 1, 2021
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 1, 2021

Mabuti na lang at na-master na ni Heart Evangelista ang pagha-handle sa kanyang mga bashers kaya hindi na siya affected much.
Pagkatapos kasing tawaging ‘baog’ ang aktres ng isang walang pusong netizen, ngayon naman, pati ang nananahimik niyang kilikili ay nilait din ng isa pang basher niya.
Nag-post si Heart ng picture nila ng mister na si Gov. Chiz Escudero kung saan gandang-ganda ang mga netizens sa aura ng aktres at sa suot niyang floral top na hitsurang bra with matching earrings, wristwatch and bracelets na hindi siyempre nawawala kay Heart.
Ang isang bored sa buhay na netizen, pinuna diumano ang ‘lukot at kulubot’ na kilikili ni Heart.
Eh, natural, dahil naka-fold ang braso ng aktres at hindi naman naka-stretch upward, magmumukhang lukot at kulubot nga ang kanyang kilikili.
Pero kailangan bang gawing big deal ‘yun ng naturang netizen at sa halip na ang ganda ni Heart ang pansinin, aba’t mas nag-focus pa sa kanyang kilikili.
‘Kalokah naman talaga, devah?
Unfair namang isipin ng mga netizens na ang mga artista ay perfect at walang mali sa katawan. Tao lang sila, hindi diyosa o engkantada! Char!
Anyway, maraming naghahanap sa naturang comment ng basher, pero mukhang pagkatapos barahin ni Heart ay binura na rin ng aktres ang panlalait sa kanya at ang reply niya.
At naku, ha, tigilan na rin sana ng ilan at ‘wag nang ikumpara kay Heart ang flawless na kilikili ni Marian Rivera sa isang post nito, kung saan nakataas naman kasi ang kanyang kamay at braso habang naka-one-piece swimsuit, kaya natural lang na flawless talaga ang makikitang underarm ng misis ni Dingdong Dantes.
Pero hanga kami kay Heart dahil natutunan na nga niyang i-handle nang tama ang pamba-bash sa kanya at hindi na siya naaapektuhan mentally.
Ang labanan kasi ngayon, kung mahina ang loob mo at hindi positibo ang tingin mo sa buhay, mental health problem ang kauuwian mo dahil sa dami ng bastos at mapanghusga sa socmed.
Parang mas masarap sugpuin ang mga bashers kesa sa COVID! Nyahahaha!





Comments