Kulong at multa sa frat na walang adviser
- BULGAR
- Mar 17, 2023
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | March 17, 2023
Dear Chief Acosta,
Ang anak ko na nasa kolehiyo ay miyembro ng isang fraternity sa kanilang eskuwelahan. Ang kanilang grupo ay nakatutulong sa kanya sa pag-aaral, sapagkat madalas silang mag-group study kapag may mga exams. Ngunit nalaman ko na wala pala silang guro o adviser na nagsusubaybay sa mga gawain ng kanilang fraternity. Ito ba ay tama? – Emma
Dear Emma,
Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 7 ng Republic Act No. 8409, na inamyendahan ng Republic Act No. 11053, na mas kilala bilang “Anti-Hazing Act of 2018,” kung saan nakasaad na:
“Sec. 7. Faculty Adviser. - Schools shall require all fraternities, sororities, or organizations, as a condition to the grant of accreditation or registration, to submit the name or names of their respective faculty adviser or advisers who must not be members of the respective fraternity, sorority, or organization. The submission shall also include a written acceptance or consent on the part of the selected faculty adviser or advisers.
The faculty advisers shall be responsible for monitoring the activities of the fraternity, sorority, or organization is established or registered.
In case of violation of any of the provisions of this Act, it is presumed that the faculty adviser has knowledge and consented to the commission of any of the unlawful acts stated therein.”
Ayon sa nasabing probisyon ng batas, bago magawaran ng pahintulot o marehistro, dapat idirekta ng eskuwelahan ang bawat fraternities, sororities, o organisasyon na magsumite ng pangalan o mga pangalan ng mga faculty adviser o advisers. Ang nasabing adviser ay hindi dapat miyembro ng parehong fraternity, sorority, o organisasyon. Nararapat din na ang pagsusumite ng pangalan ay may written acceptance o pahintulot ng nasabing adviser. Nais din naming idagdag na anumang paglabag sa nasabing probisyon ng batas ay may karampatang parusa na pagkakakulong at pagbabayad ng multa tulad ng nakasaad sa Seksyon 14 ng Republic Act No. 11053. Kaya naman, maikokonsiderang paglabag sa batas kung mapatutunayan na walang adviser ang fraternity na kinabibilangan ng iyong anak.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments